NOONG UNA, may imbitasyon para sa press launch ng bagong serye ni Marian Rivera, ang The Rich Man’s Daughter. Tapos sinundan ng postponement sa reason na ang GMA Corporate Commnications lang ang nakaaalam. Then nag-email ang Kapuso GMA Network na due to Yan’s delicate pregnancy, mapo-postpone na muna ang project ng Reyna ng Teleserye sa bakuran ng Kapuso Network.
Naghinayang ako. Sayang dahil tulad sa magandang impresyon na nilikha ng bekiserye na My Husband’s Lover para lalong maintindihan ng publiko ang tungkol sa buhay at pag-ibig ng isang bading, gay, agi (at kung ano man ang gusto n’yong itawag), nakatulong ang serye nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez na ma-expose ang publiko, na sa mundong ito, hindi lang ang lalaki at babae ang puwedeng magmahalan, puwede ring magmahalan ang lalaki sa lalaki.
Bilang advocate ng gender equlity at naniniwala that gay rights (in all aspects of life) is human rights, natuwa ako sa pagiging agresibo ng GMA na maipalabas nila ang MHL na lumikha ng isang hindi tradisyonal na love team sa telebisyon, ang TomDen love team na nagkaroon ng sanlakasang followers.
Sayang, itong serye sana ni Marian that will tackle the life and love of a lesbian (si Marian ang lesbian at lover niya sina Glaiza de Castro at iba’t ibang mga babaeng susuporta sa kanya), first in Philippine TV, ay maglilikha sana ng panibagong yugto sa pagkilos ng local LGBT community na palawakin ang pag-unawa ng publiko sa isyu, specifically ng lesbians.
Naghihinayang kami na hindi na muna matutuloy ang serye. Kung bibilangin na two months pregnant ngayon si Yan, manganganak, at pagkatapos ay magpapapayat kasabay ang pag-aalaga ng kanilang supling ni Dingdong Dantes, parang ang tagal naman yata ng paghihintay ng seryeng excited pa naman ako noong una.
Kung hindi puwede si Yan because of her pregnancy, why not maghanap ng pamalit ang GMA para gampanan ang role as the rich man’s daughter? Pero sinu-sino pa ang pupuwede?
Si Carla Abellana, she’s pretty pero blant kung adobong manok, kulang sa paminta at soy sauce para magkakulay.
Oks sana si Heart Evangelista pero imposible at por delikadesa, may conflict sila ni Marian.
Si Glaiza de Castro at Kris Bernal, hindi sila pang primetime lead. Oks kung panghapong serye, puwede siguro silang magbida. Sa pagkain, pang-afternoon merienda lang sila.
Sinu-sino pa ba ang puwedeng pamalit kay Yan para hindi masayang ang project?
Si Sarah Labhati na kahit nakipag-live in kay Richard Gutierrez at may isa nang anak na si Baby Zion, I think she fits for the role. Sexy si Sarah. Malakas ang rehistro sa screen. Sa katunayan this girl can act after seeing her sa pelikulang Liwanag sa Dilim ng APT Entertainment where she played the aswang. Nangungusap ang mga mata niya.
Perfect si Sarah as Marian’s replacement for the lead. Tutal, ang appeal ni Sarah, hindi lang pang-barako. Malakas din ang kaseksihan niya sa lesbian community.
‘Yun nga lang, papayag kayang i-share ni Richard ang live-in girlfriend sa mga biyanang?
Reyted K
By RK VillaCorta