ANG DAMING nagulat sa pagdating ni Marian Rivera sa Kongreso nu’ng nakaraang Lunes ng umaga.
Kasi si Marian pala, naimbitahan ng grupo ng mga PWD o Persons With Disability para maging Ambassador for Women and Children With Disabilities. Bongga, ‘di ba?
Nagbigay siya ng speech doon, at nagpahayag ng suporta sa mga may kapansanan na mabigyan sila ng patas na pagtrato at karapatan.
Marami naman kasi sa mga PWD natin na kaya namang magtrabaho o mamuhay ng normal. Pero dahil sa kapansanan nila, iba ang pagtrato sa kanila at madalas hindi sila natatanggap sa trabaho.
Pero in fairness sa ibang kumpanya, may mga trabahador silang may kapansanan at effective naman daw sila. Kaya ‘yun ang isinusulong sa Kongreso ng mga PWD na sa tulong ni Marian at baka pakikinggan sila sa Kongreso at posibleng maipasa ang batas na naaayon sa kanila.
Malaking bagay nga naman si Marian para mapansin sila.
Magandang advocacy ito ni Marian, kaya naman love na love siya ng mga fans niya.
Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis