Marian Rivera, tinalakan ang isang matandang fan?

Marian-RiveraHOW TRUE ang nasagap naming balita na muli na naman daw umariba ang katarayan ni Marian Rivera na sa mismong taping daw nito ng kanyang hindi naman nagri-rate na dance show ay may isang matandang fan na 51 years old na nagngangalang Raffy ang tinalakan nito dahil hindi siya tinitilian.

Balitang big fan daw ang nasabing matanda na laman ng mga live show ng GMA Shows at ng Sexbomb danccers kaya naman daw nang nagka-reunion ang Sexbomb sa Marian, sumugod ito roon para panoorin ang kanyang mga idolong mananayaw.

At dahil nga sa malakas talaga itong tumili, medyo nairita raw si Marianita at nilapitan ang matandang fan at sabay sabing, “Kilala kita? ‘Di mo naman ako tinitilian! Gusto mo bang ipakuyog kita sa mga fans ko!” na ikinabigla ng nasabing tagahanga.

Kaya naman daw ang ending, imbes na tumili pa ay tumahimik na lang buong taping ang na-hurt na fan dahil sa pagkahiya at sa takot na baka nga totohanin ni Marian ang tinuran nito na ipapakuyog sa kanyang mga tagahanga.

2012 Manhunt International June Macasaet, pasasayahin ang mga guro sa Batangas

 

NAKATAKDANG MAGTUNGO ang 2012 Manhunt International title-holder na si June Macasaet ngayong Biyernes sa Tanauan, Batangas campus ng First Asia Institute of Technology & Humanities (FAITH) para makiisa sa selebrasyon ng World’s Teachers Day.

Ayon kay JuneMac, inaasahan na dadaluhan ng mahigit isang libong guro mula sa iba’t ibang public school teachers ng buong Batangas ang pupuntahan niyang event na pinamagatang ‘My Teacher, My Hero’ na taunang pinaghahandaan ng Batangas Chapter ng Department of Education.

“Bukod sa pagbibigay ng inspirational talk at saya sa mga guro, plano ko ring magbigay ng kaunting product give-aways at libreng kalendaryo mula sa produktong aking ine-endorso na New Placenta Soap for Men ng Psalmstre. Kaya pipilitin ko na mapasaya silang lahat sa abot ng aking makakaya,” diin nito.

“Bilang isang Batangueño at kababayan ng mga guro, isang karangalan para sa akin na ako’y maimbitahan dahil first time ko ito at mga respected teachers pa ang nag-imbita sa akin para makasama sila sa kanilang selebrasyon,” dagdag pa nito.

Bukod sa dadaluhang event na ito ni JuneMac sa Batangas, nakatakda rin itong magtungo ng Bacolod City sa Oktubre 19 para sa taunang selebrasyon ng Masskara Festival kasama ang co-endorser niya sa Psalmstre na si 2012 Ms. Earth-Air Stephany Stefanowitz.

TV show na Pribyuhan, malaking tulong para maihatid ang layunin ng MTRCB

 

DAPAT SALUDUHAN ang MTRCB Chairman na si Atty. Toto Villareal dahil na rin sa kanyang effort na mas mapalawak ang kaalaman ng mga Pilipino sa gustong iparating ng MTRCB. Isa na rito ang bagong proyekto ng MTRCB, ang Pribyuhan, ang kanilang TV show, kung saan isa itong talakayan na lahat ng katanungan ay sasagutin ng pamunuan ng MTRCB.

Saludo rin kami sa pagsusulong ng MTRCB sa karapatan ng senior citizens at ng kKabataan na sumasakay ng mga public bus kaugnay sa mga pelikulang ipinalalabas dito na minsan ay hindi na naaangkop sa kabataan o sa senior citizens na minsan ay sobrang bayolente na o may mahahalay na eksena.

At habang tumatagal, mas lalong nagiging determinado ang pamunuan ng MTRCB na malibot ang buong Pilipinas para mas lumawak pa ang kaalaman ng ating kababayan sa nais na iparating ng MTRCB na malaking tulong para sa ikauunlad pa, hindi lang pantelebisyong palabas, kundi maging ng pampelikulang palabas.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleCristine Reyes, nagpa-ultrasound?
Next articlePinoy Parazzi Vol 7 Issue 125 October 10 – 12, 2014

No posts to display