Marian Rivera, walang dapat ika-insecure kina Bea Alonzo at Rhian Ramos

Marian-Rivera-Bea-Alonzo-Rhian-RamosWITHOUT PUTTING the cart before the horse ay umuugong na ang balitang pagpapakasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, after all, both are of age and deeply in love with each other.

People close to Marian swear na talaga namang wife material ang aktres: maasikaso sa kanyang boypren in domestic aspects like cooking Dingdong’s favourite food hanggang sa pag-iimis ng pinagkanan nito sa hapag-kainan.

Huwag na nating panghimasukan kung anuman ang nagaganap sa kanilang pribadong buhay, the fact that their relationship has survived and is still surviving sa kabila ng mapanuksong mundong kanilang ginagalawan is a testimonial to its strength.

Word of unsolicited advice lang kay Marian: with beauty comes security.

Hindi naman kasi lingid ang kasaysayan ng pagkakaroon ng insecure feelings noon ni Marian sa bawat makatambal na lang ni Dingdong. Sino ang makalilimot sa napabalitang engkuwentro nila ni Bela Padilla na pinagselosan ni Marian, whose issue became a major management concern?

Buti na lang, ang katambal ni Dingdong sa pelikulang She’s The One ng Star Cinema na si Bea Alonzo is already taken by Zanjoe Marudo. In the same way na ang leading lady ng aktor sa bagong serye ng GMA na si Rhian Ramos ay dyowa naman ni KC Montero.

But what if these women are incidentally single? Paiiralin bang muli ni Marian ang kanyang confrontational (read: palengkera) stance for which she’s been famous na itinatago lang niya sa kanyang pa-sweet public image?

Marian-Rivera

BALIK-PAGMEMEMORYA NG script si Marian Rivera as she plays Laura (as the storyteller) and Milette (as the model-turned-actress in tomorrow’s episode of One Day, Isang Araw titled Ang Secret Ni Milette.

As we all know, sa ngayon ay wala pang regular show si Marian sa GMA, and what better way to sustain her TV exposure than cast her sa ilang programa?

Kuwento ito ni Milette na sa kabila ng kanyang kasikatan ay meron pala siyang itinatagong lihim. Ito’y tungkol sa kanyang kapatid na may Down Syndome played by Karl Paolo as Alex.

One time nang dinalaw siya sa studio ng kanyang mommy (Jaclyn Jose) and Alex ay nakita sila ng kanyang manager na si Ateng Perry (Milette’s manager played by Mel Martinez) at pinagsabihan siya na huwag daw sanang magpapakita in public si Milette na kasama si Alex dahil makasisira raw ito sa kanyang career.

However, the turning point in Milette’s career is when she and Alex are sighted by her fans who resent her well-guarded secret. In the end, Milette realizes her shortcoming.

One Day, Isang Araw airs after the weekend news on GMA.

Aktres, playing safe ‘pag natatanong kung gaano na sila katagal ng dyowa

BLIND ITEM: Almost four years nang magkarelasyon ang unmarried showbiz couple na ito, yet halatang kinaiinsekyuran pa rin daw ng aktres ang mga nagiging leading lady ng kanyang nobyo.

May pinanggagalingan naman daw kasi ang insecurity ng aktres: nag-overlap kasi ang kanilang relasyon nu’ng time when her current actor-boyfriend was still committed to a singer, na anak ng isa ring sikat na mang-aawit.

No wonder, iwas ang insecure actress each time she’s asked kung gaano na sila katagal ng kanyang nobyong aktor. “Hindi kasi kami ‘yung tipong nagbibilang, eh,” playing safe na sagot lagi ng aktres, whose last name with an added vowel to it is a body of water.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleKaya nag-resign sa Face To Face
Amy Perez: ‘Di ko na kaya ang betrayal
Next articleGustong anakan ang menor de edad na GF
Freddie Aguilar, binabatikos sa pagiging cradle snatcher

No posts to display