TILA NEVER-ENDING ang issue ng kamal-ditahan ni Marian Something.
We heard that a group of balikbayan was utterly disappointed because of her rude behavior when they visited her recently sa set ng kanyang soap opera.
After securing permission sa manager niyang si Coco Something ay go na ang grupo sa set. Marian was quite surprised to learn na may bisita siya. She was probably not told earlier na meron siyang fans na darating.
But since naroroon na sila, inestima naman ni Marianita ang grupo. And when they asked for a photo with her, Marian feigned interest.
Kasi naman, after three to five shots ay bigla na siyang tumalikod at ngumiwi. Yes, nag-smirk daw ang hitad, bagay na nakita ng isa sa grupo. With that ay dismayado talaga sila sa kagaspangan ng ugali ng babaeng ito na feeling reyna sa Siyete na number two station naman.
PINATOTOHANAN NI Julia Montes ang sinabi ni Coco Martin na hindi pa niya nai-invite ang kanyang leading man para maging escort niya sa kanyang debut.
“Totoo ‘yon, personally hindi ko pa siya nadidirekta (na imbitahang maging escrot ko). (It’s) more on mga kasama lang namin ‘yung nag-invite sa kanya. ‘Eto, personally (I’m asking you to be my escort),” sabi ni Julia sa presscon ng A Moment in Time.
Kagagad naman sumagot si Coco nang oo.
When asked kung pagtuntong niya ng 18 sa March 19 ay puwede na siyang magpaligaw, hindi ito masagot nang diretso ng dalaga.
“’Di ko pa kasi masyadong (iniisip). Wala pa ako sa point na relationship kaagad ang iniisip ko. Pero si Coco nga po kasi ay mabait at saka maalaga so ayun lang, kinikilala ko pa lang po siya,” abi niya.
“Mahirap pong sabihing handa ka na lalo pa’t wala pang dumarating na guy. Hindi ko po alam kung ready na ba ako, kung ready na po akong pasukin ‘yung gano’n. Ayoko namang magsalita nang patapos. In God’s perfect time, siguro baka maging ready.”
BAGO SILA magsimula bilang hosts ng Jeepney Jackpot: Pera o Para ay merong isang request si Mr. Fu kay Valeen Montenegro.
“Sabi ko sa kanya, ‘‘Te me request lang ako. Ayoko ng me idiot board. Hindi kasi ako aliw sa idiot board. Ayoko ng may Manila paper sa harap ko. Kasi may script, eh, tapos gagawa sila ng idiot board.”
“Nate-tense siya na parang, ‘ang bilis mo namang mag-memorize.’ Sabi ko, “‘Wag mong i-memorize (ang script), learn it from heart. At saka Tagalog naman ‘yan. Basta alam lang natin kung paano magse-segmentize ‘yung show. Ayun, simula noon sobra na siyang confident.”
We asked Mr. Fu kung ano ang ipinagkaiba nila sa ibang game shows.
“Ang kakaiba rito, unang-una, may jeepney siya. Hindi namin pinapupunta sa studio ang contestants. Kami ang lumalapit sa contestants at pinipick-up namin sila doon literally at binibigyan namin sila ng papremyo. Hindi pa siya nagagawa sa Philippine TV, I think. It’s a TV 5 concept sa reality department.”
NAG-WORRY ANG fans ni Kris Aquino nang mag-post siya ng message sa Twitter recently.
“Thanks but last na ang KKI.”
She was referring to Kaila-ngan Ko’y Ikaw, ang hit teleserye nila nina Anne Curtis and Robin Padilla.
Ang akala ng ilan ay magre-retire na sa showbiz si Kris.
“I’m not retiring, just prioritizing. It was my dream to become an actress- but my talent isn’t in becoming a character, but just being me,” esplika niya.
“I know i’m a better host than actress but I gave #KKI my best- thank u for the recognition,” dagdag pa niya.
At para patunayang hindi siya magre-retire, Kris said na merong nilulutong show para sa kanya.
“There’s a new show in the horizon & I know u will enjoy that because u keep telling me u miss me in that format. Things do fall into place.”
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas