OLA CHIKA! NAKU ha! Mahulaan n’yo kaya akung sino itong aking ptiki-bulag nagyon? Sumubro na ang laki ng ulo ng feeling sikat na reporter na ito. Sobra-sobra raw kung manghuthot ng datung sa kung sinong celebrity na gusto nitong isulat. Kahit ka-etsingan lang ang kanyang mga isinusulat at walang ka-relevance-relevance, basta mailagay lang ang name ng gusto nitong isulat, kung makasingil daig pa’ng dollar ang presyo, huh!
Nakakaloka naman ito! Chika ng aking Parazzi girl, ganito raw ang modus operandi ni feeling sikat na reporter, lalo na sa mga bagong pasok sa mundo ng showbiz, dahil wala ngang kaalam-alam. Kung anu-anong mabulaklak na salita ang inilalabas nito sa kanyang bibig, mapa-oo lang at nang hindi makatanggi ang celebrity, lalo na ‘pag sa tingin nito ay madatung, huh!
Nakakaloka talaga! Hindi naman bago itong si feeling sikat na reporter na ito sa showbiz. Unti-unti pa lang at hindi pa nagkakaroon ng name, feeling sikat na ito. Halos kaplastikan na ang inaasal nito, huh! Nakakaloka naman! Kaya ang aking tsismosang Parazzi girl, napapailing na lang, huh!
WALANG KEBER NA sumabak sa aktingan si Maricar Santos, kahit unang sabak lang niya sa pag-arte. Hangga’t kaya, ilalabas niya ang natural acting niya.
Sa aming kuwentuhan ni Maricar, nakasalampak lang ito sa isang tabi, natural na natural na walang halong showbiz. Nakasuot pambahay lang ito na akala mo, magtitinda lang. Pero lumalabas pa rin ang natural na ganda, huh! Walang keber sa gitna ng init ng panahon, at puro amoy-araw na kami, ayun, beso-beso pa rin ang lola n’yo sa aming tsikahan.
Naikuwento niyang hilig niya ang showbiz at nang may pagkakataong nagkakilala sila ni Direk Neil Buboy Tan. Nang ilabas ni Direk ang iskrip ng Pasang Krus, hindi nagdalawang-isip si Maricar na iprodyus ang pelikula, at sumabak na rin sa matinding pag-arte. Hindi lang arte na kung anu-ano, drama ang sabak ng lola mo.
Super-relate si maricar sa pelikulang Pasang Krus, kung saan pasan din niya noon ang kalbaryo ng hirap. Dinapuan din ng matinding pagsubok ang kanyang buhay nang lumisan o pumanaw ang anak nito. Kaya sa murang edad, nagtrabaho na ito, at hindi na nga intindi ang hirap at lungkot.
Wala ring pag-aalinlangan si Maricar na mag-prodyus ng susunod na pelikula. “Basta tita, sa tingin ko ay maganda at wholesome, at kahit sino ay p’wedeng manood, go ako!”
Pang level 6 ang tingin niya sa kanyang pag-arte sa pelikulang ito. Ginampanan niya ang papel na Teri, na bestfriend ni Osang. ‘Di lang siya, kundi maging ang kanyang anak na si Chariz na super bagets, sumabak na rin sa pag-arte. Nakahanda na si Maricar na harapin ang mga isyung puwedeng ibato sa kanya. Ni isa ay walang makakaharang, at tuluy-tuloy na ang kanyang pag-aartista. ‘Yun na!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding