Maricel Laxa-Pangilinan, may ibang kinahihiligan!

VERY POSITIVE ANG outlook sa buhay ni Ms. Maricel Laxa-Pangilinan nang magkita kami sa cookery shop sa Taguig noong Huwebes, at masaya ko siyang pinanood habang nagde-demo kung papano gumawa ng kakaibang dishes sa mas affordable na presyo na kayang-kaya ng Pinoy.

Masaya ngang ibinalita ni Maricel na enjoy niya ang motherhood ngayong may pang-lima na siyang baby. During pregnancy days daw niya, wala raw siyang ginawa kundi mag-eksperimento sa kusina, pero ang pinakahilig raw talaga niya ay ang kumain hindi ang magluto. Halos anim na taon palang seryosong ginagampanan ni Maricel ang pagiging cook.

Kung sa bagay, mapalad si Maricel, dahil nahihilig sa pagluluto ang apat niyang anak. Ayon nga sa kanya, sobrang fanatic daw ang kanyang mga anak when it comes sa cooking,at dahil vegetarian daw siya, na-ging challenge daw sa apat niyang anak ang mag-experimento at magluto ng pagkain na naaayon sa kanyang diet.

At ang pinaka-exciting part daw talaga na gustung-gusto niya, ang pagse-serve ng mga anak niya ng mga dishes na sila talaga ang nagpakahirap magluto. “Kapag may mga anak kang mahilig magluto, lahat ng satisfaction, mararamdaman mo.”

Sobrang daming memories daw at bonding moment ang naidudulot ng pagkakahilig ng mga anak niya sa pagluluto.

“Palagi akong nag-e-enjoy magluto, at I love to be around sa mga taong mahilig magluto.”

Pero ang kakaiba rito, hindi raw tinuruan ni Maricel na magluto ang mga anak. Pinabayaan daw nila ang mga anak nila na gawin ang gusto nila.

“Wala kaming TV sa bahay, kaya lahat ng bright ideas p’wede mong gawin, kasi hindi cloudy ang mind mo.”

PUWEDE NINYONG BASAHIN sa blog ko ang mas mahabang interview kay Ms. Maricel Laxa, sa mongtokis.blogspot.com. O kaya sa facebook, add lang ninyo ako: facebook/ manong tokis.

By Gary de Leon

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

Previous articlePinoy Parazzi Vol 4 Issue 113 September 5 – 6, 2011 Out Now!
Next articleAngeline Quinto, tinawag na ‘Next Superstar’ Regine V., naghahamon ng away sa mga Noranians?

No posts to display