EXACTLY A WEEK ago nang tangkain ng staff ng Startalk TX na hingan man lang ng panig si Marivic o higit kilala bilang Bekbek, kapatid ni Maricel Soriano (at ina ni Meryll), tungkol sa kontrobersiyal na isyung kinasasangkutan ng aktres.
If earlier efforts to get Maricel’s side through her manager Malou Choa-Fagar proved futile, para nga namang na-bypass ang taong mas may alam to end all speculations ranging from mild to wild. At ‘yun ay walang iba kundi si Bekbek.
Kapuri-puri ang sisterly relationship nina Maricel at Bekbek, the latter being the “eternally willing PA (personal alalay)” to her sibling’s live guestings on TV. Kung saanman naroon si Maricel, Bekbek cannot be far behind.
Pero sa ginawang tawag ng Startalk TX kay Bekbek, she seemed both far and behind. Hindi kasi niya sinasagot ang tawag, her mobile phone just kept on ringing.
Ugali na natin ang ‘di pagsagot sa tawag for either reason: Numero lang ang naka-register, or kapag alam natin kung sino’ng tumatawag at ayaw nating kausapin, we just let the phone continue ringing. Gayunpaman, if no number registers ay sumasagot tayo through text: “Hu u?” And if the caller introduces himself, nasa tinawagan na kung magre-reply pa ba siya o sasagot uli sa tawag.
Maricel’s camp was not responsive to the call, malay ba nila na meron palang naghihintay na raket sa aktres? A regular TV show perhaps (hindi na sa TV5 kung saan nagluka-lukahan siya, much less in ABS-CBN na nilayasan niya), or another product endorsement (ows, talaga lang? Eh, todong pang-a-ALASKA na nga ang inaabot niya bunga ng isyung ito!), or another film offer (naku, ha, flopchina ang T2 movie niya under Star Cinema!… ‘Pag binuo ba ‘yung title, ang labas, eh, Tsimimay 2?… Ayaw ng dalawa niyang kasambahay!).
Kilalang prangka si Maricel, kakabit ang titulong Taray Queen. Nakakapanibago na sa ganitong uri ng isyung kinapapalooban niya, Maricel is neither frank nor termagant.
NAGING MANTRA NA ni Gladys Reyes ang “As long as I know my priorities, nothing is impossible.”
Of course, first on her list of priorities is her family, and “family” is the operative word used throughout this item.
Limang miyembro na ang binubuo ng pamilya ng mahusay na TV host-actress: her husband Christopher and their kids Christophe, 5; Aquisha, 3 and seven month-old Grant-Carlin. Swak tuloy ang programa ni Gladys on Net25, ang Moments—now on its fifth year—that tackles parenting and family bonding.
With the newly installed MTRCB Chief (Mary Grace Poe-Llamanzares), the board has become family to Gladys as one of its members. Via Guns & Roses, Gladys returns to her ABS-CBN family.
On the side, negosyante rin si Gladys via her five year-old KSA Magic skin whitening with branches at SM malls (also at SM Masinag in Antipolo City that opened recently) na masasabing family business din.
‘Ika nga, everything redounds to family.
TUNGHAYAN NGAYONG Biyernes sa Face To Face ang kuwentong Si Tita Praning… Kapag Lasing, Sariling Pamangkin ang Pinagigiling!
Pinaratangan ng kanyang mga pamangking sina Agrivelle at Irene na ibinubugaw raw sila ng tiyahing tomboy na si Paning. Sa tindi ng galit ng mga ito, sinugod nila ang kaanak at walang-awang tinadyakan pa. Ngunit nakahanap naman ng kakampi si Paning kay Devie na siyang kumupkop dito nang palayasin ng mga pinsan. So, abangan ang isa na namang katsipang bangayang pagigitnaan ni Amy Perez!
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III