BLIND ITEM: Ipinagmamalaki ng isang baguhang film director ang kanyang obra, starring dito ang isang kontrobersiyal na aktres katambal ng isang banong umarteng young actor.
Having debuted in film, naitanong ng press kung may alok ba ang mga TV network sa direktor. Hindi niya diretsahang sinagot ang tanong, but if there would be offers ay hindi raw niya ‘yon susunggaban. Katuwiran ng bagitong direktor, “nakakabobo” raw ang pagdidirek sa TV.
Isang tahasang pahayag ‘yon na iginalang naman ng press, baka nga mas mapakikinabangan sa pelikula ang husay ni direk kesa sa mga panooring pang-telebisyon.
Then came the recent showing of the movie he directed. Para sa mga kokonti lang namang nakapanood ng pelikula (yes, it’s a certified box-office flop!), isang malaking insulto raw sa katalinuhan ng mga manonood ang ipinagbabanduhang obra ng mayabang na direktor na ‘yon!
Dedicated yata ang pelikulang ‘yon sa mga moron, idiot at imbecile. Don’t get us wrong, base ito sa mga nakapanood ng pelikula ni direk… hindi kami nagkokontrabida, girl, ha?
KUMBAGA SA timpla, mas maraming tubig kaya hindi namin malasahan ang gatas sa naganap na pagkakasundo kamakailan sa pagitan ni Maricel Soriano at ng kanyang dating mga kasambahay.
Exactly a week ago nang makatanggap ang Startalk TX ng in-email na “Magkasamang Salaysay” released through the office of Vic del Rosario and Shirley Kuan hinggil sa pag-aayos ni Maricel with her former helpers.
Malabnaw ang naturang salaysay dahil hindi naman tinukoy ang pinanggalingan nito, sa barangay bang nasasakupan ng tirahan ni Maricel nangyari ang amicable settlement na siya ring nag-release nito? Kay Mon Tulfo ba na siyang naging instrumento ng kanilang pagbabati nagmula ang statement? O, sa tanggapan ng tinutukoy na ALE Party List Representative Bagasina (ni wala ngang nakasaad na first name ng Congresswoman)?
Matatandaang inireklamo si Maricel ng umano’y verbal at physical abuse ng mga dating kasambahay na sina May Cachuela at Camille Acojedo. Ibinatay ng mga ito ang insidenteng naganap noong gabi ng June 29, 2011 sa mismong tirahan ng kanilang among aktres sa Rizal Tower sa Rockwell sa Makati City.
Makalawang beses nang inisnab ni Maricel ang summon ng barangay. And just as we thought na sa kanyang ikatlong pang-iisnab sa summon ay iaakyat na ang kaso sa korte (pursuant to the certification to file action), biglang nagkaroon na ng news blackout.
Come December, nakuha pang i-promote ni Maricel ang kanyang Metro Manila filmfest entry, obviously trying to dodge the issue ng kanyang umano’y pagmamalupit sa kanyang mga dating kasambahay. Halatang pilit, Maricel dismissed it as one of those trying moments in her life, yet she had to move on.
Less than nine months later, base sa “Magkasamang Salaysay”, the warring parties have settled their differences. Napagtanto raw ng dalawang partido na bugso ng kanilang mga damdamin ang naging ugat ng kanilang ‘di pagkakaunawaan.
Bali-baligtarin man ang situwasyon, batay na rin sa naunang reklamo nina May at Camille ay wala sa kanilang dalawa ang nagpakawala ng bugso ng kanilang damdamin. Both May and Camille merely reacted to Maricel’s alleged emotional outburst.
But having acknowledged her fault as well, mabuting nilinis na rin ni Maricel ang kanyang pangalan. Ang tanong: kasama ba sa naturang pagkakasundo ang pagbabayad ni Maricel ng kaukulang sahod sa mga nanilbihan sa kanya?
BAHAGI PA rin ng pre-anniversary celebration ng Face To Face ay ang walang takot nitong paglalahad ng isa pang maselang episode ngayong Biyernes, thank God, it has been approved by the MTRCB.
Pinamagatang Baboy Na Kasambahay, Sinilihan Ang Panty, Inihian Ang Juice At Dinuraan Ang Kape Ng Among Mataray!, tungkol ito sa maid na si Amalia who, as her way of getting even with her cruel employer Inday, was compelled to do just that. Katuwiran ni Amalia, nagawa lang daw niya ang mga bagay na ‘yon sa kanyang amo dahil bukod sa hindi raw siya pinagpapahinga sa trabaho ay pinakakain pa siya ng panis.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III