MAY FANS SI Diamond Star na si Maricel Soriano na nagtatanong sa amin kung bakit for one month weekly drama special lang ang pinirmahan nitong non-exclusive contract sa TV5. Sabi ng ilang loyal Maricelians na nag-i-email sa amin, bitin daw sila sa magiging takbo ng show ng kanilang idolo sa Singko.
May point naman talaga ang fans and supporters ng Diamond Star na sabik nang mapanood ang kanilang mahal na aktres, dahil mahigit isang taon na itong walang regular TV show, at ilang buwan na ngang nag-expire ang ABS-CBN contract nito, kaya freelance na siya now.
Imagine, John En Shirley pa ang last show ni Maricel, and we have yet to hear kung may new movie na siyang pinaplanong gawin for this year, na hopeful ang fans, eh, magkaroon din ng bagong pelikula.
Nag-text kami sa amiable new talent manager ni Marya na si Ms Malou Choa-Fagar, kung bakit nga ni hindi man lang one season (13 episodes) ang drama special nito sa TV5. Ang reply nito, “It is the offer.” Dahil inakala nga naming baka choice nila ‘yun ni Marya, for now.
Sa tanong namin kung hindi ba sila magre-renew after the one-month deal for a longer-term show?
“Willing to negotiate if there’s an offer,” tugon ni Ms Malou. Ang sa amin, sana lang po ay huwag masayang ang pangalang naipundar ng isang Maricel Soriano all these years kung hanggang pang-special na lang siya. Sana’y mai-work out din kahit for one season man lang on a regular basis, para na rin sa fans nitong matagal nang nanabik sa kanya on the boobtube.
Kung ang ibang stars nga na new contract artists ng TV5, eh, may longer deal, sana’y maisip din ng grupo ni Mr. Manny Pangilinan na both parties ay magkakatulungan ‘pag naging mas mahaba pa ang kanilang pagsasama, ‘di ba? Nasa Singko na rin lang si Maricel, matutuwa ang fans ‘pag mas regular nilang mapapanood ang kanilang mahal na idolo.
ILAN DIN SA mga deserving at talented stars ang napapirma sa Singko ay sina Jon Santos and Amy Perez, both came from ABS-CBN.
Sina Jon at Amy ay hataw at beterano na sa kani-kanilang fields of expertise – si Jon sa comedy at si Amy as a good host. Ilang taon na rin ang itinagal nila sa industriya and we’re just as happy for these two na muling mabigyan ng pagtitiwala ng TV5 to have their new shows.
Isang sitcom for Jon at isang talk show ang ipinagkatiwala ng Singko kina Jon and Amy, and nakatutuwang malaman na may alternative na shows tayong mapapanood sa real good talents like them.
IRE-REMAKE NG REGAL Entertainment ang Temptation Island na isa nang klasiko ng nasirang Direk Joey Gosiengfiao na naging pillar din ng film outfit ni Mother Lily Monteverde.
May mga ilang pangalan na kaming narinig to be in the cast, pero under negotiations pa ito. Ang mga original sa cast ng 1980 classic comedy nito ay sina Azenith Briones (Miss Photogenic, Mutya ng Pilipinas 1975), Jennifer Cortez (Binibining Pilipinas-Universe 1978), Bambi Arambulo (Miss Maja Pilipinas 1977) and Dina Bonnevie (1st Runner-up, Miss Magnolia 1979).
Ang original script ay sinulat ni Toto Belano. Tungkol ito sa isang grupo ng beauty contest finalists na na-stranded sa isang desert island na walang pagkain, tubig, at bahay.
Si Chris Martinez ang magdidirek ng Temptation Island na siya ring nag-update ng script. We’re so happy for Direk Chris dahil finally, dumating na ang time niya as a full-time filmmaker.
Sa film debut pa lang niyang 100 (Mylene Dizon) ay bilib na kami sa kanya. He’s also directing Here Comes The Bride starring Angelica Panganiban, Eugene Domingo, John Lapus, etc., under Quantum Films-Star-Cinema-Octo Arts Films.
Mellow Thoughts
by Mell Navarro