AS AN actress- comedienne, wala pa ring kakupas-kupas si Maricel Soriano. Hindi nagpatalbog sa mga nakakatawang eksena nila ni Eugene Domingo. All out ang binibigay nito sa bawat eksena nilang dalawa. Walang arte kahit magpagulong-gulong ang Diamond Star with Uge, sige lang sa ikagaganda at ikaaaliw ng manonood.
Gusto kasi ni Mary na mai-deliver nang tama ang bawat eksenang gustong mangyari ni Direk Wenn Deramas sa mga eksenang kukunan. Kaya ganoon na lang kung purihin ng box-office director si Ms. Taray Queen.
Sabi nga ni Wenn D, “Walang pinagbago, nandu’n pa rin ‘yung brilyo ng pagiging comedienne ni Maricel. Magaling sa timing at mabilis ang pick-up, ganu’n din si Uge. Maganda ‘yung team-up nilang dalawa, nakakaaliw, riot talaga sa katatawanan.”
Hanggang ngayon, nasa sistema pa rin ni Maricel ang pagiging professional sa trabaho. Always on time sa set at kung minsan pa nga mas maaga pa siyang dumarating sa production staff. Kahit nga tapos na siya sa kanyang mga eksena, nagbababad pa ito sa set para makipagkuwentuhan. Hindi nga namalayan ni Maricel na natapos na niya ang pelikulang Mama Mia dahil sobra siyang nag-enjoy habang ginagawa ito.
Next month, sisimulan naman niyang gawin ang Girl, Boy, Bakla, Tomboy with Vice-Ganda sa direksiyon pa rin ni Wenn Deramas. Tinanong namin si Direk kung may chance pang gumawa ng teleserye ang actress-comedienne sa Kapamilya Network? “Hindi muna sa ngayon, gusto ni Mary na mag-concentrate muna sa movies saka na ang TV. Mas maibibigay niya ang best kung sa pelikula siya naka-focus.”
SOBRANG EXCITEMENT ang naramdaman ng world class singing champion na si Jed Madela sa debut album niya sa kanyang bagong recording label na Star Records. Ito ang first full project ng binata, all original album. Dibdiban ang ginawa niya sa pagbuo ng mga songs kaya nu’ng marinig nito ang final tracks, gusto agad iparinig sa kanyang fans ang naiibang areglo.
Ayon kay Jed, ang mga kantang bahagi ng all original album ay may hatid na bagong tunog at emosyon sa mga makikinig. Kakaiba talaga, mismo ako pinabilib niya sa ganda ng music and lyrics nito. Bawat kanta ay potential single. Nakatakdang magdiwang ngayon taon si Jed ng kanyang 10th anniversary sa music industry. Siyempre, hindi mawawala sa album ang signature ‘high note ballads ’. Iisipin mo nga kapag pinakinggan mo, si Jed Madela ba ‘yung kumakanta?
Ten all original tracks including ang carrier single ni Jed na “Ikaw Na”, “Wish”, “When Love Once Was Beautiful”, “Dito Lang”, “Ipinapangako”, “Sa Habang Buhay”, “Dalangin Ko”, “Will Forever”, “Home To You”, at ang sarili niyang komposisyon na “Tanging Ikaw”, plus bonus mix ng “Wish” at “Dito Lang”.
Aside sa latest album ni Jed, siya ang kauna-unahang Filipino champion sa World Championship of the Performing Arts (WCOPA), first Filipino na mapabilang sa Performing Arts Hall of Fame in Hollywood. Siya rin ang unang Grand Champion Performer of the World na mapaparangalan ng Achievement Award at masasali sa elite Performing Arts Hall of Fame na may live worldwide webcast sa July 19.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield