NAKAKUHA KAMI NG isang listahan ng “25 Greatest Female Stars” na na-publish sa isang national publication. Ito ay mga local actresses ng Philippine movie industry, mula pa noong 1950s up to the present generation.
Pasok sa list, of course, sina Nora Aunor at Vilma Santos, at may Sharon Cuneta. Pero kung may Sharon, kapansin-pansin ang hindi pagkakasama o pagkakalaglag ng name ni Maricel Soriano, na sinasabing “rival” ng megastar sa pelikula noong 1980s.
Ang nasabing list ay buhat kay Mr. Mario Hernando, isang beteranong film critic at entertainment writer, founding member ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino, at isa ring active member ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).
Ang complete names ng “25 Greatest Female Stars” na pasok sa nasabing listahan ni Hernando – “ranked according to seniority and not necessarily preference” – ay sina:
Elsa Oria, Lucita Goyena, Carmen Rosales, Rosa del Rosario, Mila del Sol, Norma Blancaflor, Anita Linda, Delia Razon, Rita Gomez, Lolita Rodriguez, Rosa Rosal, Charito Solis, Nida Blanca, Gloria Romero.
Helen Gamboa, Amalia Fuentes, Susan Roces, Tessie Agana, Nora Aunor, Vilma Santos, Lorna Tolentino, Elizabeth Oropesa, Sharon Cuneta, Aiza Seguerra, Judy Ann Santos.
Take note na sa panlasa at pamantayan ni Hernando, sa younger generation ay pasok ang mga pangalan nina Aiza and Judy Ann – more than Maricel. Huh?!
While it’s true na we just have to respect ang listahang ito base sa personal na opinyon ng nasabing kritiko (mula sa request ng beteranong kolumnistang si Ronald Constantino na maglista nga ito), we don’t totally agree naman na wala ang name ng Diamond Star na si Maricel Soriano.
Kung nalagay sina Juday and Aiza sa list (na wala kaming kontra, dahil deserving sila), eh for us, equally deserving rin ang isang Maricel Soriano to be called a “great female star” as well.
Marya has done several blockbuster movies and award-winning actress din ito mula sa iba’t ibang award-giving bodies sa bansa – maliban sa Gawad Urian, kung saan miyembro si Hernando. Eight times nang nano-nominate si Maricel sa Urian – from 1993 to 2007 – pero laging “Luz Valdez” (lost). Sharon has one Urian trophy for Madrasta.
Kung kasama rin ang popularity sa “criteria”, sumikat din naman ang Maricel during her prime as a versatile movie and TV star – and actress, ‘no! In all fairness naman talaga, huh! Box-office hit Regal movies, more than 10 years existence ng iba’t ibang TV shows niya mula pa noong child actress ito.
Ayon pa sa nasabing article, “Hernando points out that the likes of Gina Alajar, Cherry Pie Picache, Jaclyn Jose, and Gina Pareño are not in his list because while they are great actresses, they’re not great stars.”
I’m sure, ang mga “silent Maricelians” ay may reaction sa listahang ito upang ipagtanggol ang kanilang idolo. Kaya go and react na to us at [email protected].
SPEAKING OF AWARDS, all set na ang Philippine Movie Press Club (PMPC) sa kanilang 25th PMPC Star Awards for Television 2011. Gaganapin ito sa November 22, Tuesday night sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila (Pasay City).
Parang kailan lang, nagsimula ang PMPC sa pamamahagi ng tropeo para sa mga “the best” in Philippine TV, at kay bilis nga ng panahon at nasa Silver Anniversary na ang said award-giving body, na matatag pa rin kahit na maraming “bagyo” ang pinagdaanan through the years.
Nakakatuwa ring 25th year na rin sa industriya ng comebacking (blocktime) producer ng Star Awards, ang Airtime Marketing Inc., ni Ms. Tessie Celestino-Howard, na ilang taon ding prinodyus ang said awards night, with Direk Al Quinn as her perennial TV director.
More on PMPC Star Awards for Television update in our next columns. Happy Silver Anniversary!
Mellow Thoughts
by Mell Navarro