“NOT TRUE” ANG reply ng ma-nager ni Maricel Soriano na si Malou Choa-Fagar, executive rin ng long-running noontime variety show ng GMA-7, Eat Bulaga, tungkol sa text message naming ipinadala personally sa kanya.
Ang tanong namin kay Tita Malou ay kung true bang hindi niya alam ang ginawang guesting ni Marya na pagsayaw sa Party Pilipinas nu’ng mag-birthday ang dancing legend na si Geleen Eugenio, na panahon pa ng Rico Mambo days ni Maricel, eh siya na niyang dance choreographer.
Meaning, may blessing ni Tita Malou ang nasabing Party Pilipinas guesting ng Diamond Star, hindi tulad nang nasulat recently. Ayon pa sa chika, sa dance number na ‘yun ni Marya ay mataas ang rating, mas mataas sa ASAP Rocks that Sunday.
“Ang ganda ng aura ni Marya sa
show!” iisang chika ng l hat ng nakapanood. Pero ilang araw lang ang lumipas, heto ang mga kasambahay ni Maricel (two months pa lang umano sa kanya) at may inirereklamo sa kanilang amo sa pagtrato sa kanila.
Nang i-text naming muli ang ma-nager ni Maricel kung may statement na sila tungkol sa isyu na ito ng pagsusumbong sa media ng mga kasambahay ng aktres, “Wala pa,” ang maikling tugon ni Tita Malou, at hindi na kami nag-follow up question pa.
Sa Facebook, mga diehard Maricelians ang nagpaparating ng kanilang lungkot at depression – kung totoo man ang mga nangyayaring ito kay Maricel. Iilan lamang sila sa mga Maricel solid fans, na we’re very sure, eh handang ipagtanggol ang mahal nilang idolo.
Ang said “silent” fans ang dumurugo ang puso sa kinasasangkutang ito ng kanilang idol, na handang maghintay ng pagkakataong magsalita na ang kampo ng mahal nilang si Inay Marya.
Tulad ng Maricelians, buong showbiz ay naghihintay ng panig ni Marya. At ng katotohanan. ‘Wag naman sana!
THERE’S NO DOUBT na talagang “made” na nga ang isang Vice Ganda, dahil sa pangalawang pagpuno niya ng mga tao sa napakalaking Araneta Coliseum concert nitong Vice Ganda: Todo Sample sa Araneta noong July 1.
Saksi ang inyong lingkod kung papaano punuin ni Vice ang Big Dome that time, to the point na kahit na ‘yung upper and lower box sections na dati’y “pinapatay” o hindi pinapaupuan ng tao, ay “binuhay” – para lang ma-accomodate ang mga nagsisipagbilihan ng tickets.
Ito ‘yung part ng magkabilang gilid ng coliseum, na literally eh “side” lang ng mukha ni Vice – at ng kanyang guests – ang makikita dahil nakagilid nga ang seats, o halos batok na lang ng performers ang mapapanood. Pero sumugod pa rin ang fans, huh!
Nasa 11 thousand, kung hindi kami nagkakamali, ang dumagsang utaw sa Big Dome para maging jampacked ito, dahilan upang magka-traffic literally sa parteng ‘yun ng Araneta Center before and after the concert sa dami ng mga may sasakyan.
Kahit na ang 3,700 pesos worth na VIP seats ay nagpadagdag ang Viva Concerts ng 80 seats, at kinailangang bawasan ang size ng stage in front to accomodate nga ang additional seats dahil up to the last minute ay ang daming nagba-buy ng tickets, huh!
Aliw pa rin, as usual, ang mga banat at kuwelang hirit ni Vice na tanging siya lang talaga ang epektibong makaka-deliver, na natural at hindi pilit ang pagpapatawa – sa mga segments niya with his guests Toni Gonzaga, Billy Crawford, Enchong Dee, at Cristine Reyes.
Congratulations are in order, of course, to Vice for a job well done (dahil alam mong pinaghandaan niya ang gabing ‘yun), to Viva Concerts, sa producer ng Showtime Productions na si Joed Serrano, Cora Rod-rigo, at sa manager nitong si Ogie Diaz.
Sabi nga ni Tita Crispina Belen, “Suwerte ni Vice kay Ogie dahil pinagtiyagaan at pinush talaga siya ni Ogie!”
So there.
For feed-back, please email us at [email protected].
Mellow Thoughts
by Mell Navarro