MARAMI ANG nagsasabi na may malalim na pinagmulan diumano ang nangyaring pagtataray ni Maricel Soriano sa prime talent ng Kapamilya Network na si Gerald Anderson.
Tama ba ang balitang nakarating sa amin na may selos-factor behind the incident sa taping ng supposed to be ay pagsasamahan nilang dalawa? Selos on Maricel’s part?
Usap-usapan kasi na sa isang house blessing kamakailan ng isa sa mga ABS-CBN big boss; nagkasama sina Maria at Gerald. Medyo nagkainuman ng konti. Nagkakulitan at nauwi diumano sa konting lambingan.
Dagdag pa sa tsika, naging personal si Maria sa binata. Medyo nahulog diumano ang loob ni Maria sa actor, kung kaya’t kabilang ang mga pangalan nina Kim Chiu at Maja Salvador sa mga pangalan na kasama sa kanyang litanya sa set ng teleserye na dapat sana nilang pagsamahan.
Pero say ni Wenn Deramas, kahit tinanggal na si Maricel sa teleseryeng Bukas Na Lang Kita Mamahalin ay ina-assure niya sa aktres na tuloy pa rin ang pelikulang pagsasamahan nila ni Vice Ganda just to give Maria an assurance na kasama pa rin siya sa naturang proyekto.
Kung saan hahantong ang nakalutang na karir ni Maricel ngayon, abangan na lang natin.
Kung kailan lalabas ang katotohanan sa pagwawala ni Maria sa taping ng teleserye sana nila ni Gerald, abangan na lang natin.
‘Di nga ba’t sa isyung pananakit ni Maricel noon sa dalawang kasambahay niya, never siyang nagsalita o dinipensa ang kanyang sarili sa opinion ng publiko?
Kamuka’t mukat mo, inareglo na pala at nauwi sa out of court settlement ang isyu ng pananakit ng aktres sa kanyang kasambahay.
NAKALIMUTAN KO na may asawa pala noon si Willie Revillame. Kasal sila. Si Liz Almoro na dating fashion model na minsan ay pinakasalan ni Willie ay nagbunga ng isang anak ang maikli nilang pagsasama .
Sa premiere telecast ng WowoWillie ng TV5 last Saturday noon, for the first time ay ipinakilala ni Willie sa publiko ang kanyang anak na lalaki sa dating asawa na si Liz.
Like father, like son; magaling ding mag-drums ang bagets who goes to school in Ateneo. If I’m not mistaken, ang bagets ay seven or eight years old at English speaking, huh!
Hindi man kami na-impress sa opening salvo ng show ni Willie dahil sa totoo lang, wala namang bago sa choreography ni Ana Feliciano (the show choreographer) na walang katapusang paggiling, pagliyad at pag-tumbling ang pinagawa nito sa mga babaeng dancer in their skimpy shorts at bra-type sexy top; walang bago sa paningin namin ang tumambad sa amin. Luma na ang style ni Ana. Panis na ang konsepto. Hindi na uso sa madaling salita.
Kahit nga ang pagsayaw ng Gangnam sa finale portion ng opening number ay pinagsawaan na noong late 2012.
Pero nabawi ang pagkabagot namin at napangiti kami dahil nang ipakilala ni Willie sa publiko ang kanyang anak (without hesitation and with pride) na halos nakalimutan na ng sambayanan ay napangiti kami.
Kahit matabil kung minsan ang pananalita ni Willie and sometimes ay nagtataray ito on air sa live audiences niya, pinatunayan niya na tao siya. Tatay si Willie Revillame.
Ini-expect namin na noong Sabado, we would be seeing a new type of hosting sa mga lead female host ni Willie with the likes of Grace Lee, Camille Villar at Mariel Rodriquez.
But to our dismay; wala lang. It was just one of their hosting gigs on television.
Ang ipinag-iba lang ng new show ni Willie, from an early evening slot na kasabayan ng mga balita sa telebisyon ay inilipat lang sa tanghali para maki-pagsalpukan sa show nina Vice Ganda, Anne Curtis at Vhong Navarro at sa longest running variety show on television na Eat Bulaga.
At first I thought, babawi si Kuya Willie sa bonggang pa-premyo sa show on opening day kahit may kakulangan sa konsepto ang show pero wala rin pala.
Hoping na today, Lunes ay makabawi si Willie sa ipinagmayabang niyang bonggang palabas na luma rin ang konsepto na lumipat lang mula sa matrapik na Novaliches patungong Delta sa Quezon Ave.
Reyted K
By RK VillaCorta