BALI-BALITANG LILIPAT NA rin daw ang Diamond Star na si Maricel Soriano sa GMA-7 pagkatapos mag-ober da bakod dito ang mga dating Kapamilya stars na sina Claudine Barretto, Bayani Agbayani, and Carlo Guevarra.
Maging ang identified noon sa Dos na si Ms Susan Roces (with her past horror films na niri-remake dito) ay may Sana Ngayong Pasko Christmaserye na sa GMA.
Obvious ang non-inclusion ni Marya sa Christmas ID plug ng ABS-CBN, habang lahat ng Kapamilya stars ay nandoon, or lahat ng may existing shows ngayon sa Dos – may kontrata man ito sa network o wala.
Ang totoo, nag-expire na ang kontrata ni Maricel sa ABS-CBN recently. Ang last show ng aktres dito ay ang Florinda pa months ago, na bago nai-ere ay matagal nang tapos ang taping.
Tinext namin ang bagong manager ni Maricel na si Malou Choa-Fagar, kung kinu-consider rin ba niyang ilipat ang alaga sa GMA-7, ang “tahanan” ng TAPE, Inc. kunsaan siya VP, at producer ng PMPC Star Awards for TV Hall of Fame as Best Variety Show na Eat Bulaga.
“I’m not (considering),” reply ni Tita Malou. “Her contract has expired. Still don’t know plans of ABS for her.”
Ask namin kung may feelers or informal offer ba ang Kapuso network sa serbiyso ni Marya, ang tugon ni Tita Malou: “Wala naman.”
Type kaya niya o ni Marya na manatiling Kapamilya? “We’ll set a meeting with them (ABS-CBN),” maikling tugon ng mabait na manager na siya ring may hawak kina Janno Gibbs, Oyo Sotto, Anjo Yllana, etc.
SPEAKING OF CLAUDINE, puro speculations ang naglalabasan sa shows na unang gagawin niya sa GMA after nitong maging unang “Reyna” sa ABS-CBN teleseryes, pati na sa Star Magic, for many years.
Bulilyaso na nga ang Claudine-Gretchen Barretto teleserye sa Dos dahil two years exclusive contract ang pinirmahan nito with Kapuso. She’s now under Viva Artists Agency ni Ms Veronique del Rosario-Corpus na kasama nito sa pirmahan.
May sitsit na ang mga ibibigay na shows kay Claudine sa GMA ay ang Pinoy adaptation ng Jewel in the Palace, isang ala-Maalaala Mo Kaya, o isang show with hubby Raymart Santiago.
Kaya minabuti naming i-text si Veronique para sa direktang kasagutan tungkol sa latest addition sa roster of talents niya under VAA like Anne Curtis, Sarah Geronimo, Cristine Reyes, Mark Bautista, Carlo Aquino, Andrea del Rosario, Jennylyn Mercado (co-managed pa rin ni Becky Aguila), etc.
Tanong namin ke Veronique, ano ba talaga ang unang shows (two shows per year) na gagawin ni Claudine sa Siyete?
“GMA 7 will still present concepts to Claudine. We don’t know if they’re considering those programs. Baka early next year pa sila mag-present,” reply ni Veronique.
In full preparation ang lahat for the grand welcome of Claudine sa GMA for January 2010. Ipinagtataka at ikinagulat ng marami kung bakit hindi siya “pinigilan” ng ABS-CBN or mag-counter offer?
Noong nagka-isyung lilipat si Diether Ocampo sa Kapuso, “nabulabog” ang Dos kaya nagkateleserye itong Only You. Bakit hindi gano’n ang nangyari kay Claudine?
Naunang nag-sign si Claud for Viva Films for exclusive movies. Ayon kay Veronique, inaayos pa ang mga detalye ng unang pelikulang gagawin nito sa Viva.
It must be recalled na “down” rin ang career ni Jericho Rosales noong time na sumugal ang Viva sa kanya upang maging leading man ni Anne Curtis sa Baler.
Nang mag-hit at mag-win ng awards ang Baler, dito muling naging “mabango” ang pangalan ni Echo. ABS-CBN gave him Kahit Isang Saglit and got endorsements. Proof that you can’t put a good actor down.
Same thing kaya ang mangyari for Claudine?
Mellow Thoughts
by Mell Navarro