SA IKALAWANG PAGKAKA-TAONG pang-iisnab ni Maricel Soriano sa kanilang paghaharap sana ng kanyang dalawang dating kasambahay sa isang barangay sa Makati City (nitong Miyerkules, July 13), all indications would point no less to the actress’s sheer lack of interest para ayusin ang kanyang kaso, on the barangay level, to say the least.
As a matter of barangay protocol, before any case is elevated to court ay binibigyan ang respondent ng tatlong pagkakataon. However, if all three summons yield no presence of the respondent, ginagawan na ito ng certification to file action, and the whole legal process begins.
Maging ang nakatrabahong producer noon ni Maricel na si Armida Siguion-Reyna in at least three movies produced by Reyna Films ang nakikiusap sa aktres na, “Suriin niya ang kanyang buhay.” Ganu’n na lang ang panghihinayang ni Tita Midz sa itinutu-ring pa mandin niyang isa sa mga pinakamahuhusay na aktres ng bansa, only to get dragged into an alleged maltreatment case involving her helpers?
With Tita Midz’s words, I couldn’t help but get transported back in time, ito ‘yung ginampanan niyang papel sa pelikulang Atsay starring Nora Aunor, a Metro Manila filmfest entry na tumalo sa Rubia Servios ni Vilma Santos. Asawa ni Tita Midz sa naturang pelikula si Renato del Prado, na nakabuntis sa kasambahay nilang si Nora; sa galit nang matuklasan ang katotohanan ay pinagsisipa niya ang buntis na si Nora, dahilan ng pagkakaospital nito’t pagkakalaglag ng dinadalang sanggol.
Baka sa pagkakataong ito, ipinagpapasalamat pa nina May Cachuela at Camille Acojedo na wala sa kanila ang nagdadalantao nang saktan umano ng kanilang among si Maricel noong gabi ng June 29.
VICE GANDA HAS truly arrived. Patunay ng kanyang kasikatan—that no other stand-up comedian has ever achieved except for Ai-Ai de las Alas—ay ang kaliwa’t kanang bira sa kanya, na isa lang naman ang tinutumbok: ang paglaki ng kanyang ulo.
In this business na sabi nga’y nakaka-headify o nakalulunod ang tagumpay, even small achievements are deemed career hallmarks, palibhasa ang mga ganitong pagbabago sa buhay halimbawa ni Vice Ganda were not present when he was not yet “the” Vice Ganda that he has become now.
Kaso, may ilang tao na may iba’t ibang pakahulugan sa paglaki ng ulo ng isang artistang sikat, even insignificant things tulad ng karaniwang pagtataray kunwari are taken as a sign of highhandedness o kayabangan.
Vice Ganda is also human, made of vital organs that function both normally and abnormally in any given situation.
Ilang beses nang mismong si Vice Ganda na rin ang umaming mayabang siya. If that is not a virtue of honesty, ewan ko kung ano’ng puwedeng itawag du’n. Mas gusto ko namang ‘di hamak ang isang taong prangka tulad ni Vice Ganda who’s not afraid to admit his own imperfections or character flaws kesa sa isang taong iba ang sinasabi sa kanyang ikinikilos. Besides, hindi yabang ang pinaiiral ni Vice Ganda, he is just being assertive: of himself, his rights, his talents, his entire being.
Nakakatawa tuloy ang mga komento ng ilang mga sumusu-baybay sa takbo ng career ngayon ni Vice Ganda, na kung isisilid lahat ang mga ‘yon in a capsule would amount to a collective prayer na sana’y malaos siya. May punto sila dahil talaga namang some good things never last.
Dalawang sagot sa panalanging ‘yon. Una, hindi siguro pakikinggan ng nasa Itaas ang dasal na ‘yon dahil isang “curse” ‘yon at hindi blessing. Pangalawa, fame—or absence of it—is a matter of destiny that is rewarded to a person for his efforts to attain it.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III