Matapos batikusin ng netizens ang pagpo-post ng mga litrato nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa social media, kung saan hawak-hawak ng loveteam ang kani-kaniyang balota nang bumoto sila kahapon, na-bash din si Robin Padilla nang mag-post din ito sa kanyang Instagram account ng ‘shaded ballot’ na ipinapakita pa kung sino ang kaniyang ibinoto.
Sa Comelec ruling, bawal ang pagse-selfie ng balota. Kaya naman ‘di nakaligtas ang mga nasabing celebrities sa mapanghusgang panunuri ng netizens.
Gayunman, may mga nagtanggol sa KathNiel. Hindi umano ‘selfie’ ang kanilang ginawa, dahil hindi naman sila ang mismo ang kumuha sa kanilang sarili habang hawak-hawak ang kanilang mga balota.
Sa kaso ni Robin Padilla, to the rescue ang asawa nitong si Mariel Padilla. Ini-repost ni Mariel ang Facebook post ng isang Nahda Kahbata, kung nag-post ang netizen ng sample ballot na downloaded umano sa official website ng Comelec at saka iprinint.
Sa caption ni Mariel sa nasabing post, sinabihan nito ang mga basher na maging maingat umano ang mga ito at ‘wag mag-assume agad. Aniya, “people should be more careful. they shouldn’t assume! IT WAS A SAMPLE BALLOT!!!”
Dagdag pa ni Mariel, “ we call this the Trillanes Syndrome… no evidence all talk.”
Hinamon pa ng “It’s Showtime” host na tutulungan pa niya ang sinumang makapagpapatunay na nagpunta si Robin sa presinto, bumoto, at nag-selfie ng kanyang balota para maipakulong ang asawa.
Sabi ni Mariel, “if anyone can prove that Robin Padilla went to a precinct, voted and took photos of his ballot I will help you convict him.”
Siguradong-sigurado umano si Mariel na hindi umano ginawa Robin ang ‘ballot selfie’.
“I am that sure that Robin didn’t do that… why? because ROBIN PADILLA CAN NOT VOTE!!!!” Pagtitiyak ni Mariel.
By Parazzi Boy