PAREHO NAMING KUMPARE at kumare sina Zanjoe Marudo at Mariel Rodriguez, pero hindi na namin sila tineks pa tungkol sa isyung hiwalay na sila, dahil baka alam n’yo na, “nagpapalamig” muna ang dalawa at ayaw nila ng “gambala” factor.
Pero meron kaming isang nakausap at nagkumpirma na yes, split na nga ang dalawa. Teka, meron bang third party involved at kaninong party ito?
“Wala naman. Ang rason lang ng dalawa, career muna at saka na ang lovelife. Ni hindi rin si Robin Padilla tulad ng lumalabas.
“They are still friends, in fairness,” sey ng aming kausap.
Nalungkot kami, in fairness again. At kung meron kaming kakampihan sa dalawa? Wala. Pareho naming mahal ‘yan, kaya ang wish na lang namin ay sana, magkausap sila at magkabalikan.
DINUKOT NAMIN SA Facebook account nina Igi Boy Muhlach at Janice de Belen ang mga litratong nakikita n’yo rito.
Happy kami for Igi Boy, dahil isa siyang “aligagang” ama na talagang kahit ang pagpapalit ng pampers ay kanyang pinag-aaralan.
Si Janice naman ay maluha-luhang karga ang unang apo nila ni Aga Muhlach, si Alejandro Miguel Petil Muhlach na isinilang nu’ng May 16, 10:11 am.
Ngayon siguro, mas naa-appreciate ni Igi ang pagmamahal na ibinigay sa kanya ng apat niyang magulang. Namely Aga, Janice, Charlene Gonzales at John Estrada.
MUNTIK NANG MASIRA sa amin ang remote control ng TV namin, dahil palipat-lipat kami ng tatlong channels: 2, 5, 7. At ang pinanonood namin: ASAP XV kung saan isine-celebrate ang 18th anniv ng Star Magic; PO5 na parang lutang na lutang ang “sapawan” ng mga hosts; at ang Party Pilipinas na in fairness, nakaaaliw na siya.
Pero siyempre, aminado naman kaming biased kami pagdating sa ASAP XV kasi nga, nasanay na kaming ito ang pinanonood, dahil sa bilis ng mga production numbers.
Ang PO5 naman ay nakaaaliw na rin basta bawasan lang ni Wilma Doesnt ang “feeling Lucy Torres.” Tapos, nagsasapawan pa itong sina Tuesday Vargas at Mr. Fu. Pero galit ang Channel 5 sa pamimigay ng kotse, huh!
Sa Party Pilipinas naman, naawa kami sa mga nag-perform sa labas ng GMA Compound at sa ilalim ng nakapapasong init ng araw.
Mabuti’t walang na-heat stroke. At naaliw kami ng mga umi-skateboard, in fairness.
O, at least, naaliw nila ang Sunday noontime namin. Hintayin na lang namin, baka meron ding pasabog ang Channel 9 at 13.
Oh My G!
by Ogie Diaz