TODO SA pag-aaral ng Spanish language si Mariel Rodriquez dahil pupunta sila ni Robin Padilla sa Spain sa katapusan ng June. Si Mariel kasi ang magiging interpreter ni Robin kapag nagsimula na ang actor na mag-research sa kanilang family tree sa Spain.
Ayon kay Mariel, hindi naman siyang gaanong nahirapan sa pag-aaral ng salitang Kastila dahil may pagkakahawig raw ang ilang Spanish words sa Tagalog. Nahirapan lang daw siya kapag nagku-conjugate ka na. Dito raw siya medyo nalilito. Pero siniguro ni Mariel na fast learner siya at magaling daw ang Spanish professor na nagtuturo sa kanya.
“Kailangan kasi na matuto ako, kasi sa akin nakaasa si Robin when we are in Spain na. For sure, marami kaming kakausapin doon and it’s better nga that I speak their language para mas madali kaming magkaintindihan,” say ni Mariel.
Dahil isinama si Mariel sa bagong Sunday variety show ng TV5, ang Happy Truck ng Bayan kaya na-move sa katapusan ng June ang pag-alis nila ni Robin papuntang Spain.
“Kasi sa June 14, pa kami mag-start. At least, makadalawang episodes man lang ako ng Happy Truck ng Bayan bago ako umalis. Natuwa nga ako noong isinama nila ako because I miss this kind of show. Sanay ako sa game show, ‘di ba?
“Kami kasi ‘yung pupunta ng iba’t ibang lugar para aliwin ang mga tao. Since taped as live naman kami at least makadalawang episodes ako. Alam naman ng TV5 na may mga plans na kami ni Robin. Sa isang show ko nga sa Happy Wife, Happy Life ay sobra kong na-enjoy ‘yung ginagawa ko roon. Pero nagpaalam na rin ako sa kanila. Alam din naman nila ‘yung pag-alis namin ni Robin.”
Sana nga raw sa pagpunta nila sa Spain ay i-bless sila na magkaroon ng baby.
“God allows us to conceive a baby in Europe, that will be a great blessing sa amin ni Robin,” pagtatapos ni Mariel.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo