SA UNANG ratsada ng WowoWillie noong Sabado, tila may naging irigan sina Mariel Rodriguez at si Ethel Booba sa harap ng kamera.
Ang eksena, nagparinig si lukring na Ethel na naka-apat na awards na siya as TV Host at biglang tinanong niya si Mariel ng: “Ikaw ba meron?”
At walang kaabug-abog, sinagot naman siya ng tsikadorang Mariel ng: “Magkano?” Insinuating na bayad o binili ni Ethel ang naturang award noong panahon na umuusbong ang karir niya sa telebisyon via GMA 7’s Extra Challenge na nag-angat sa kanyang estado bilang host na mula sa mga sing-along bars ay napansin siya ng PMPC Star Awards para seryosohin bilang isang legitimate host (co-host siya ni Paolo Bediones nu’n).
Pero Mariel is in hot water now. Tila na-offend ang PMPC sa pahayag niya dahil minsan, ginawaran nila si Ethel ng Award sa kanilang Star Awards for Television.
Ayon sa isang former PMPC President na ayaw na magbanggit ng pangalan, hindi raw fair ang binitawang statement ni Mariel kahit tsikang repartee lang ito between her and Ethel.
“It’s very offending. Hindi kami nagpapabayad. We give credit where credit is due. It was a statement na unfair sa amin (PMPC) who worked hard to review television shows and movies para magbigay ng tropeo sa karapat-dapat.”
With Mariel’s tough in cheek statement, I just don’t know kung ano ang masasabi ng bagong pamunuan ng PMPC with Fernan de Guzman as the newly-elected President.
INABANGAN NAMIN ang bagong teleserye ni Angeline Quinto sa Kapamilya Network just before TV Patrol.
But to our dismay, may pinagkopyahan pala ang writer ng show sa peg ng teleserye ni Angeline sa isang lumang pelikula in 1996 ng TV host-actress na si Rikki Lake at Brendan Frasier, kasama rin ang batikang si Shirley McLain na napanood namin sa DVD noon.
Mrs. Winterbourne ang titulo ng American film. Kung car crash ang sa local version, train crash naman ang original na pinagkopyahan.
Kung kuwintas na antigo ang pinagkilanlan kay Angeline as the woman na pakakasalan ng apo ni Lolo Jonee Gamboa; ang wedding ring naman na suot ni Rikki na sinukat lang niya na ipinahiram ng original na si Mrs. Patricia Winterbourne na sa isang iglap ay nadiskaril ang train at nadisgrasya sila at naiwan ngang buhay si Rikki at ang singsing ang pinagkilanlan sa kanya ng mayamang pamilya ng mga Winterbourne ang panimula ng isang bagong katauhan ni Rikki na pareho rin sa karakter ni Angeline sa local version.
KALOKANG SUNSHINE Cruz. Matapos kaladkarin ang personal nilang alitan ng mister niyang si Cesar Montano sa publiko, back to each other’s arm na muli sila.
Matapos hubaran ang pagkatao ng mister at maging siya ay nakaladkad ang personal nilang buhay, ang isinuka niya ay kinain din pala.
Tama si Tito Alfie Lorenzo (business manager ni Sunshine) hindi dapat paniwalaan ang statement ni Sunshine, dahil super in love siya sa kanyang mister.
MAY KUWENTO ang isang kaibigan naming reporter sa nakita niya sa CR ng Elements sa Centris noong may presscon para sa bagong teleserye ni Coco Martin.
“Mahaba at malaki, ‘day! As in super!” Excited niyang pagkukuwento sa amin na pinanglanan niya ‘yong guwapong actor.
Hindi po si Coco, huh! Basta, isa sa mga lalaking kasama ng actor sa kanyang bagong teleserye ang tinutukoy ng aming kaibigang reporter.
Reyted K
By RK VillaCorta