Mariel Rodriguez, pinalalabas na sinungaling ang mga reporter?!

PAGOD NA PAGOD na kaming tinatawag kaming sinungaling!” ‘Yan ang sey ni Mariel Rodriguez sa lahat ng isyung ibinabato sa kanya.

Siguro nga, hindi masisisi ni Mariel ang mga tao, dahil sa interbyu ni Kuya Boy (Abunda) sa kanya sa The Buzz, wala siyang inamin sa lahat ng isyung ipinupukol sa kanya.

Honestly, kami mismo’y nalungkot, dahil siyempre, lumalabas na sinungaling ang mga reporter. Sinungaling ang nagpasimula ng mga kaguluhan sa kanila ni Toni Gonzaga, KC Concepcion, Anne Curtis at Luis Manzano.

Ang tanging nasabi lang niya na natandaan namin ay: “Kung alam ko namang may kasalanan ako, I will apologize!”

So, ang labo pa rin.

HINDI LANG DIREKTANG matukoy ni Toni Gonzaga ang eksaktong kasalanan sa kanya ni Mariel. For the first time, gumano’n si Toni, ibig sabihin, may pinanggalingan talaga ‘yong sama niya ng loob.

Mas lumutang ang pagluha ni Mariel kesa ang pagpapaliwanag sa isyu nila ni Toni. Mas pupurihin siguro namin si Mariel kung hindi na lang niya idinetalye, pero humingi na lang siya ng apology sa mga taong nasaktan niya o kung nasaktan man niya ang mga ito.

Sa Twitter, nakalulungkot para kay Mariel ang mga nakukuha naming tweets. Hindi man kami mag-survey, pero isa-dalawa lang ang nakauunawa sa kanyang panig, the rest, negative na.

HINDI RIN NAGUGUSTUHAN ng karamihan sa audience ‘yung over sa public display of affection nila ni Robin Padilla.

Normal na lang ‘yan sa public, pero not on national TV.

Kahit maiintindihan namin ‘yung rason na, “Maligaya kami, we’re just showing our affection to each other, so what’s wrong with that?”

Siyempre, sa iba o karamihan sa mga Pinay, gusto pa rin nilang makakita ng babaeng conservative pa rin kahit in love na in love.

Pero sa puntong ito, gusto na lang naming sisihin ang mediamen kumbakit napapanood ng mga tao ang kanilang PDA.

At the end of the day naman, maligaya sina Robin at Mariel, eh. Kaya ba nating ibigay sa kanila ‘yon?

Pumukaw lang siguro sa sensibilities ng mga tao (lalo na ng mga dalagang Pilipina) ang PDA nu’ng dalawa.

Kaya nga may “Parental Guidance” ang ating telebisyon para tayo na rin ang magpaliwanag sa ating mga anak ng kanilang napapanood.

Sa mga gusto kaming sundan sa Twitter, mag-log on lang sa www.twitter.com at i-search lang ang @ogiediaz para po sa aming mga kagagahan sa buhay. He-he-he!

O, kung ayaw n’yo naman du’n, sundan n’yo na lang ako sa kanto. Charring!

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleVice Ganda, kinaaasaran na?!
Next articlePinoy Parazzi Vol. III Issue #170: September 29-30, 2010

No posts to display