BAKAS SA MUKHA ni Nora Aunor ang sobrang kaligayahang narararamdaman matapos niyang tanggapin ang Lifetime Achievement na ibinigay sa kanya ng katatapos na 3rd PMPC Star Awards For Music na ginanap last Sunday (October 16) sa Ateneo de Manila University theater.
“Napakalaking karangalan ito para sa akin,” sabi niya nang makapanyam namin. “Sabi ko nga, sa tinagal-tagal ko sa States… magwa-walong taon na rin. Sa tinagal-tagal na hindi ako nagpupunta sa mga award-giving bodies. Ngayon lang talaga ulit… at nagpapasalamat ako sa PMPC Star Awards sa paniniwala nila at pagtitiwala sa akin.”
Nakabibingi ang sigawan ng kanyang mga tagahanga na magpunta rin doon sa Ateneo para iparamdam ang walang katumbas na pagmamahal at suporta sa kanya. Bagay na labis din daw ikinaliligaya ni Nora.
“Masayang-masaya ako talaga. At gusto kong huwag nilang makalimutan ‘yong ginawa kong movie na El Presidente at ‘yong aming mini-serye sa TV5 na Sa Ngalan Ng Ina.
Thankful daw ang aktres sa tuluy-tuloy na pagbuhos ng blessings sa kanya ngayon.
“Sa sunud-sunod na parangal na naibibigay ko sa akin ngayon, wala akong masabi,” natawa ang Superstar.
“Actually, first time nangyari sa akin ito. Talagang sunud-sunod ang pagbibigay sa akin ng karangalan bilang isang mang-aawit. Kaya masayang-masaya ako dahil sa diyan sa pagkanta ako nag-umpisa. At hindi pa rin nila nakakalimutan kung saan ako talaga nagsimula. Gusto kong ialay ito sa lahat. Sa mga fans, lalung-lalo na. At sa lahat ng mga no’ng araw at hanggang ngayon ay nagmamahal at talagang pumi-pila pa rin para lang ako makita at magabayan.”
Kagagaling lang sa sakit ni Nora. Pero mukhang okay na nga siya matapos ang ilang araw na pagkaka-confine sa ospital.
“Malakas na. Malakas na ako nang konti. Pero nando’n pa rin ‘yong… inuubo lang naman ako, e. Siguro dahil sa ‘yon bang pagda-ting na pagdating ko kasi, wala na halos pahinga rin. Kaya gano’n ang nangyari. Pero okey na ako.”
May nasabi siya kamakailan na hihinto na siya sa paninigaril-yo. Gusto raw niyang panindigan na nga ito.
“Talaga. Dapat lang. At ngayon ko lang na-realized kung gaano ka-importante ‘yong hindi ka dapat manigarilyo,” sabi pa ni Ate Guy.
SA WIL PRODUCTIONS pa lang nakapirma ng kontrata si Mariel Rodriguez para sa pagku-co host niya sa Wil Time Bigtime. Pero willing din umano siyang magpakontrata sa TV 5 din. Gusto umano niyang magkaroon ng iba pang shows bukod sa Wil Time Bigtime.
“Dream kong magkaroon ng parang talk show. Parang late night with Mariel Rodriguez. ‘Yong mala-David Letterman, mga talk show na gano’n. Tapos mga drama… kahit na ano. Actually kahit na ano. Basta masaya.”
Si Robin, may tendency ba na sumunod sa kanyang lumipat na rin?
“I don’t know, e. Hindi ko naman ma-ano kasi meron siyang kontrata sa ABS. At saka, hindi naman ako ang manager niya, ‘di ba?”
What about ‘yong planong pagkakaroon nila ng baby?
“Ay, wala pa po. No. No. Not anytime soon.”
Talagang ii-enjoy muna nila ang pagiging mag-asawa nila?
“Yes!” nangiting sagot ni Mariel.
Bilang housewife, ano ‘yong obligasyong gustong-gusto niyang ginagawa for Robin?
“I love packing for him. Cooking? No. I don’t know how! Ha-ha-ha! Alam mo para sa kanya, kapag kunwari sinabi ko sa kanila (mga kasama nila sa bahay) na i-prepare na ang food tapos ako ang nagdala sa kanya, dahil ako ang nagpa-prepare, and in fairness ako naman ang nag-grocery no’n… para sa kanya ako na rin ang gumawa no’n.”
In return, ano naman ang mga nagagawa ni Robin for her na talagang ikinasisiya rin niya?
“Lahat. ‘Yong suporta niya sa akin, ibang klase.”
So talagang perfect husband para sa kanya si Robin?
“Yes!” nakangiting ending na nasabi ni Mariel.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan