FOR SURE AY marami na ang excited sa balitang pagdating sa bansa ng teen heartthrob na si Mario Maurer. Na-curious kami sa Thai actor dahil sa isang web forum, pinag-uusapan ‘yung pelikulang Crazy Little Thing Called Love ng mga American teens, so we looked for the movie at pinanood namin ‘yon. It’s a typical teen romantic-comedy, pero siyempre, stand-out si Mario sa mga co-actors niya sa pelikula. Balita ring gagawa ng pelikula ang Thai actor dito sa atin.
Anyway, isa sa mga excited sa pagdating ni Mario dito ay ang friend namin na nasa Amsterdam. Balitaan daw namin siya agad kung kailan darating ang aktor at uuwi rin daw siya ng bansa to see the actor in person. At pinadalhan pa kami ng isang magazine na ang nasa cover ay ang ‘angelic’ na si Mario. I-share din daw namin.
NAGKAROON PALA NG tensiyon sa pagitan ni Carla Abellana at ng veteran showbiz writer na si Mario Bautista sa presscon ng isang pelikula ng Regal nu’ng Lunes. May naisulat daw si Mario na hindi nagustuhan ng aktres, kaya nag-react ito at nagpadala ng e-mail sa writer. Pinabulaanan ni Carla ang write-up ng writer na tila ang dating ay ‘imbento’ lang ito dahil hindi raw siya nainterbyu ni Mario.
Ang siste, mismong ‘press release’ pala ng Regal ang source ng veteran writer. Publicity slant ng pelikulang pinagbibidahan ni Carla.
Hindi na bago ang inasal ng aktres. Karamihan sa mga artista kapag ‘nakanti’ kadalasan ay saka ‘maaalala’ ang pobreng showbiz writer. At kung palaban pa ang manager niya, susugurin ka pa nito. Pero kung magaganda at puro papuri ang naisusulat mo sa kanila, kahit simpleng ‘thank you’ hindi ka maite-text man lang. At ito rin halos mismo ang naging tugon ni Mario sa ‘reklamo’ ni Carla.
Sana ay nagkaintindihan at nagkaayos na ang dalawa. At nasita na ni Mother Lily Monteverde ang nagsulat ng press release nila.
HOPEFULLY, FAST RECUPERATING na si Cristine Reyes sa sakit niyang meningitis, as reported dito sa Pinoy Parazzi. Delikado kasi ang sakit na ito.
Share lang namin na dalawang kamag-anak namin ang nadale ng sakit na ito. My cousin was 16 years old when she contacted the disease. Unfortunately, she died. She stayed in the hospital for more than a month, slowly and painfully deteriorating. ‘Yung pamangkin naman namin was still a baby when she had it. Naka-survive naman siya, pero na-damage ‘yung brain niya. She’s now 11 years old, pero hindi na na-develop nang husto ang brain niya.
Bore Me
by Erik Borromeo