Mario Maurer, matindi ang magic sa mga Pinoy

IT WAS Thai heartthrob Mario Maurer’s third time to guest on The Buzz. Patok sa takilya ang kanyang pelikulang Suddenly It’s Magic opposite Erich Gonzales. Minsan ay napadaan ako sa harap ng sinehan ng isang mall. May nakita akong grupo ng mga college girls na nagtitilian habang nagpi-picture-taking sila sa tabi ng poster ni Mario. Patunay lang ito na matindi talaga ang kanyang magic sa tao.

You can never get enough of Mario. Kahit tatlong beses na siyang bumibisita sa show ay marami pa ring p’wedeng pag-usapan about him gaya ng huli niyang pagpunta sa The Buzz.

Kuwento ni Mario, hindi niya inaasahang makakapasok siya sa mundo ng showbiz. One of the reasons why he entered showbiz was because he wanted to buy a skateboard. He was only 13 years old that time. “I don’t want my mother to buy me a new skateboard. I want to buy it myself.” Nakabili naman daw siya ng kanyang inaasam na skateboard. At matapos ang ilang panahon, he’s now one of the hottest stars in and out of Thailand.

Mario wants his family to be proud of him. What’s his biggest dream for his family? “I just want to help my mom. We have a factory. We export like deodorant. I just want to help my mom with the business. If I don’t do showbiz, I would be with my mom in the business.”

Isa sa mga kahanga-hangang katangian ni Mario is that he is a devoted son. “I want to bring my mom everywhere including the Philippines. I want to bring her to many places like Palawan.” Lagi rin niyang kasama ang kanyang Kuya Marco who was with him in Ilocos during the shooting at pati na rin sa premiere night ng pelikula. Marco is a rapper.

Napamahal na si Mario sa mga Pinoy. Unang pinukaw ni Mario ang interes ng sambayanang Pilipino when the Tagalized version of his romantic-comedy movie First Love (A Little Thing Called Love) opposite Pimchanok Luevisadpaibul was shown in ABS-CBN last year. Matapos ipalabas ang pelikula ay dumagsa na ang sangkaterbang requests from fans. At ngayon nga ay may Filipino movie na si Mario.

“Most of the movies that I do [are] Thai movies. One is Chinese. This is my first Filipino movie so I have to speak English. It’s not easy for me because when my dad passed away, I never talked English anymore. I spoke English with my dad when I was young,” ayon kay Mario.

Nag-enjoy nang husto si Mario sa kanyang trabaho rito dahil na rin sa hospitality na ipinakita ng co-actors, staff at crew ng pelikula. He learned some Tagalog words like ‘oo naman’ and ‘sabe’.

Tiyak na mami-miss si Mario ng fans sa kanyang pagbalik sa Thailand, pero sinabi niyang he is willing to do another movie in the Philippines.  At hihintayin ng mga Pinoy si Mario sa kanyang muling pagdating.

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Previous articleAga Muhlach, inilalaglag
Next articleKylie Padilla, umatras sa serye nila ni Dingdong Dantes!

No posts to display