IT’S CINEMALAYA Philippine Independent Cinema Film Festival 2012 week simula ngayong araw na ito, July 20, Friday.
Ang opening ceremonies para sa nasabing Pinoy indie filmfest, now on its 8th year, ay gaganapin sa CCP main lobby at 6pm, open to the public.
Susundan ito ng opening film na Babae Sa Breakwater ni Direk Mario O’Hara, bilang pagbibigay-tribute ng Cinemalaya sa yumaong multi-awarded actor-writer-director. Free admission rin po ito, 7:30 PM ang simula sa CCP Main Theater.
Hindi nga matatawaran ang mga naiambag ni Direk Mario sa sining ng Pinoy kung kaya’t karapat-dapat lang ang ganitong pagbibigay-parangal.
Bukod sa opening film, mula July 21-29 ay may retrospective screening of classic Mario O’Hara films – either gumanap siya bilang actor or director.
Narito ang ilang Mario O’Hara films sked na pararangalan sa CCP for Cinemalaya 2012 na hindi dapat palagpasin ng mga hindi pa nakapanood ng mga ito – sa big screen:
Sa July 21 (Sat), 12:45 PM ang Tinimbang Ka Ngunit Kulang (artista siya rito with Christopher de Leon and Lolita Rodriguez), directed by Lino Brocka; at 6:15 PM naman ang Fatima Buen Story (dinirek niya si Kris Aquino); July 22 (Sun), 9:00 PM ang Tubog Sa Ginto (with Eddie Garcia, tungkol sa kabadi-ngan), directed by Lino Brocka; July 23 (Mon), 3:30 PM ang classic film na dinirek niya – ang Tatlong Taong Walang Diyos nina Nora Aunor, Christopher de Leon, at Bembol Roco; at July 27 (Fri), 10:00 AM ang Insiang (with Hilda Koronel), directed by Lino Brocka.
Para sa mga kabataan na hindi naabutan ang glorious days of cinema na nilabasan o dinirek ni Direk Mario, ‘wag palampasin ang kanyang mga natatanging obra sa Cinemalaya!
ISA SA natutuwa kaming may entries sa Cinemalaya ay si Althea Vega, isang relatively new sexy actress na nasa kuwadra ng DMV Entertainment ni Manny Valera na siya ring manager nina Alessandra de Rossi, Jean Garcia, Zoren Legaspi, Jennica Garcia, Polo Ravales, etc.
Yes, “entries” – dahil hindi lang isa, kundi dalawa ang Cinemalaya films ni Althea: Ang Katiwala ni Direk Aloy Adlawan at Diablo, directed by Mes De Guzman.
Masipag sa auditions si Althea kaya nagbubunga ang kanyang effort, lalo na’t usung-uso ang indie films ngayon sa industriya. Kung ang ibang “newbies” ay ‘di sinuwerte sa kanilang auditions, si Althea ay dala-dalawa pa ang Cinemalaya entries, huh!
Say ni Direk Aloy, hiniling niyang mag-audition si Althea sa role ng asawa ni Dennis Trillo sa Ang Katiwala at hindi siya nagkamali dahil mahusay nitong nagampanan ang ibinigay na role sa kanya.
Bumagay rin kay Althea ang role dahil probinsiyana ito, at overwhelmed ito sa role niya bilang asawa lang naman ng isang Dennis Trillo. Eh, sinasabing may resemblance si Althea kay Amy Austria, na singkit din at morena, at nakaaarte rin.
Say naman ni Althea, tahimik lang si Dennis. Sa kanilang kuwentuhan, nalamang pareho silang mahilig sa sports at nagba-boxing.
Sa July 25, 6:15 PM, sa CCP Main Theater ang gala night ng Ang Katiwala na entry sa New Breed Full-Length category. Nasa cast din sina Ronnie Lazaro, ang comebacking actress na si Neri Naig (dating Star Circle Quest finalist ng ABS-CBN na ngayon ay alaga na rin ni Manny Valera), Angelina Kanapi, Miggs Cuaderno, etc.
Kasama rin si Althea sa international movie entitled Metro Manila with Jake Macapagal sa direction ni Sean Ellis.
Mellow Thoughts
by Mell Navarro