KUNG walang aberya, ngayong Friday ang alis patungong Amerika ni Marion Aunor kasama ang kanyang inang si Miss Maribel Aunor at kapatid na si Ashley Aunor.
Sa US ay mag-aaral sa Berklee College of Music sa Boston ang singer-composer, kung saan doon din nag-aral ang mga international singer na sina Nora Jones, Charlie Puth, and John Mayer.
Bukod sa mawawala for almost six months si Marion to study songwriting, dadalo rin siya sa 3-day ASCAP convention na magaganap sa Los Angeles, California thru the invitation of Marion’s online music instructor na dadaluhan ng pamosong si Stevie Wonder at international composers na manlilikha ng hit songs nina Adele, J-Lo, at iba pang international singers na kilala worldwide.
Sa Berklee, sa June magsisimula ang kanyang klase na habang naghihintay si Marion ay p’wede pa siyang um-attend ng 5-week summer class on music writing at makipag-networking, bago ang main course niya sa Boston.
Nagkausap na rin pala sina Ms. Lala at ang Star Music na mawawala saglit si Marion, pero tuloy pa rin ang pagsa-submit niya ng mga composition niya while away from the limelight for a couple of months. Good luck, Marion for this new challenge!
Sa Monday, she will be celebrating her birthday sa USA.
Reyted K
By RK VillaCorta