HAPPY KAMI sa takbo ng singing and composing career ni Marion Aunor since she signed up with Viva Entertainment last year.
Yes, left and right ang mga assignments niya ngayon sa kompanya since she moved to be one of their artists and in-house composer.
Ang latest sa dalaga? She composed and sang the official theme song of the film “The Day After Valentine’s” na isang romance-drama mula kay Direk Jason Paul Laxamana na kabilang a darating na FDCP’s Pista ng Pelikulang Pilipino kung saan bida sina Bela Padilla at JC Santos.
Bukod sa theme song ng pelikula, may mga composing jobs dni ang dalaga para sa Viva at sa katunayan, katatapos lang ng collaboration ni Marion na sumulat ng isang kanta for Xian Lim na anytime ay ire-release na rin online sa iba’t ibang mga platform.
One nice thing about Marion’s composition para sa pelikula ni Direk Jason, super like ng millennial film director ang theme song na pang-“hugot” at si Direk Jason mismo, ang sipag mag-promote sa kanyang socal media account ng theme song ng movie niya na scheduled ipalabas commercially during the PPP on August 15 to 21.
As of presstime, katatapos lang i-shoot ang music video last week ng “Akala”.
Sa Twitter account ni Direk Jason, he posted as @jplaxamana: “Lyrics ng first stanza ng “Akala” by Marion Aunor, ang theme song ng pelikula naming #TheDayAfterValentines. First stanza pa lang, panaksak na sa puso …”.
Sa mga tagahanga ni Marion, tinatapos lang singer-composer ang kanyang EP (Extended Play) with six new songs that will be digitally release sa Spotify at Amazon.
Reyted K
By RK Villacorta