Nakatutuwang isipin na nagkabunga rin ang effort ng anak-anakan namin na si Marion Aunor na panganay na anak ng kaibigang Ms. Maribel ‘Lala “Aunor (of the Apat na Sikat fame of the late 70’s) na hindi namin ginamit at inabuso ang kabaitan compare sa paandar ng iba na ke bagu-bago ay mga “user friendly”, dahil sa sunud-sunod na magagandang balita na dumarating sa dalaga.
Yes, sa darating na Awit Awards 2016 na ilang taon nang nagbibigay-parangal sa local singers and artists sa bansa, nakakuha ng walong nominations si Marion with his works as a composer and as a singer namely: 1. Best Song of the Year – Free Fall Into Love; 2. Best Collaboration – Unbound – with Alex Gonzaga and Morisette Amon; 3. Best Pop Recording – Free Fall Into Love; 4. Best Dance Recording – Lights Down Low; 5. Best Inspirational Song – Be Like You; 6. Best Jazz Recording – How Can I; 7. Best Vocal Arrangement – Unbound; 8. Best Engineered Recording – Wanna Be Bad.
Ang saya ni Marion sa nominations na nakuha niya na ibinalita sa kanila ng mom niya ng taga-Star Music.
Sa katunayan, kasabay ng magandang balita na ito mula sa Awit Awards review committee ay ang successful promo tour ni Marion ng kanyang 2nd album sa iba’t ibang key cities sa Luzon and last Sunday naman ay nag-promote siya sa SM Cabanatuan City.
Mensahe niya ng pasasamat sa FB inbox namin: “I’m thankful sa mga fans and supporters and Marionatics from all-over Luzon kung saan nagpo-promote kami dahil bumibili sila ng CD and andun sila to give their full support during my free shows.”
Sa ngayon, no time for love muna ang dalaga. Career muna lalo pa’t may malalaking shows ngayon na naka-line-up para sa kanyang career with a series of hotel shows (pinag-uusapan pa lang) at ang pinaplanong Valentine show ni Marion in 2017.
Goodluck, dear!
Reyted K
By RK VillaCorta