ONCE LANG na-meet ni Marion Aunor in person ang Tita Guy niya (Nora Aunor). First and last meeting nila ‘yun, more than three years ago. Ito ‘yung time na dumating si Nora Aunor galing Amerika na after almost eight years of absence sa Pilipinas, dumating siya with a big funfair at the time na interesado pa sa kanya ang Singko na pagmamay-ari ni MVP.
Inspirasyon niya ang tiyahin sa kanyang pagkanta na humanga siya nang husto nang ikuwento sa kanya ng kanyang ina ang pinagdaanan ng Tita Guy niya at ang pagsisimula nito sa showbiz.
Pero based sa kuwento ni Marion, hindi sila close ni Nora. “Once pa lang kami yata nag-meet when my Mom and my sister met her sa Shangri-La EDSA noong dumating siya from the US. Sa mga social function naming pamilya, hindi ko pa po siya nami-meet,” kuwento ni Marion na isa sa mga interpreter sa Himig Handong P-Pop Love Songs 2014 na gagawin sa Araneta Coliseum come September 28.
Kung maalala pa, nagwagi ang kanyang awiting “If You Ever Changed Your Mind” noong 2013 competition which started her singing career in local showbiz. “This year hindi ako sumali. I thought ‘yong mga previous winners (she won 3rd place) are not allowed. Late ko na nalaman na puwede pala.”
For the 2014 songwriting contest, for a change interpreter siya ng composition ni Jungee Marcelo na tipong pambagets na “Pumapag-ibig”. Sa mga hindi nakaaalam, si Jungee ang composer ng super hit song ni Daniel Padilla in last year competition na “Nasa Iyo Na Ang Lahat”.
Since manalo siya sa competition last year, masasabing ito ang panimula ng kanyang magandang career na tinatahak sa industriya. Bukod sa magaling, masuwerte si Marion dahil kampi sa kanya ang langit. Kahit papaano naging madali sa dalaga na abutin ang kanyang pangarap na makilala not just as a song composer kundi pati na rin as a singer.
Ang taong 2014, masasabing suwerte sa karir niya who won recently at the Star Awards for Music as Best New Female Recording Artist. May composition din siya na kinanta ni Kathryn Bernardo na during recording, hands-on siyang nakaalalay sa dalaga.
Mabait naman kasi tulad ng ina niyang si Ms. Maribel Aunor kaya magaan tulungan ang dalaga. Sa darating na Sunday, hopefully maitawid niya nang maayos as song interpreter ng ‘Pumapag-ibig” at ‘pag nagkataon, it’s another positive point para sa career ng dalaga.
By the way, sa mga fans, friends and supporters ni Marion, vote for her song sa MOR (FM Station ng Kapamilya Network) na may pakulo by texting MORSONGS12 and send to 2331.
Reyted K
By RK VillaCorta