Marion Aunor, kakaibang brand ng music ang ipamamalas sa kanyang bar tours

 alt=

Marion Aunor
Marion Aunor

Ipinagmalalaki ng singer-composer na si Marion Aunor ang kanyang bar tours, dahil ibang-iba raw ito sa mga napanonood ng fans sa kanyang mall shows.

“Medyo iba ‘to… iba naman po ‘yung songs ko du’n sa mga mall show. Different kind of music naman po. Bukod dito, ngayon pa lang lumabas ang music video for ‘Unbound’. ‘Yung music collaboration namin nina Alex Gonzaga, Morissette (Amon) at Kidwolf,” kuwento ni Marion sa isang pocket presscon kasama ng ilang entertainment writers.

Magaganap ang unang bar tour ni Marion na may titulong “Marion + Le Band” sa 19 East Bar sa Sucat, Parañaque City ngayong Linggo, October 16. Makasasama rin niya sa concert na ito ang Bagong Kilabot ng mga Kolehiyala na si Michael Pangilinan at ang host ng radio program na “Chizmax” sa DZMM Teleradyo na si Ambet Nabus.

Kuwento pa ni Marion, “Galing ako sa rehearsal kasi it’s a live band. After this concert sa October 16, susunod naman ‘yung December 1, sa Astoria.”
“Next year, may show ako sa Dubai sa February 10. At baka April, meron pong inaayos na show ang Star Magic para sa kanilang artists naman,” dagdag pa ng magaling na singer.
Sa pakikipagkuwentuhan pa ni Marion sa amin, nabanggit niya ang ilang frustration niya sa paglikha ng mga kanta.
“Basta kasi, minsan ‘yung frustration lang sa music. Na ‘yung iba ay masyadong natataasan sa kind of music na isinusulat ko,” lahad niya.
Patuloy pa niya, “Kung may future ba rito sa Philippines? Kasi ang influences ko ay mga international. Ganun po lumalabas. E, ang hinahanap po nila ay ‘yung medyo birit na OPM (Original Pilipino Music) songs, so mahirap mag-ano.”

Bagama’t isang Aunor, hindi type ni Marion na mag-revive ng mag sumikat na kanta ng kanyang tiyahing si Nora Aunor o ng kanyang inang si Lala Aunor.
“Noong nag-start ako sa industry, lagi ko namang nami-mention na gusto ko ang sariling identity sa industry. Kaya ayaw ko namang masabihan na nagra-ride lang ako or something,” paliwanag pa ni Marion.

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

Previous articleChristopher de Leon, nanghihinayang sa sinapit ng ‘anak’ na si John Wayne Sace
Next articlePiolo Pascual, muling pangungunahan ang Sunpiology Run kontra diabetes

No posts to display