KAWAWA NAMAN si Marion Aunor sa karanasan niya sa Middle East last Holy Week, kung saan kasama siya nina Jodi Sta. Maria at Richard “Papa Chen” Yap para sa series of shows nila for the Be Careful With My Heart World Tour na nagsimula sa dalawang shows nila sa Dubai at Abu Dhabi sa UAE.
We’ve learned na bumaba ang moral ng dalaga ng Teen Star of the 70’s na si Maribel “Lala” Aunor dahil nadatnan niya na wala man lang ang pa-ngalan niya sa mga promotional posters or tarpaulin ng shows nila sa Middle East.
Excited pa naman si Marion sa first international show (kahit guest lang siya at ang main stars ay sina Sir Chief ay Maya) at makasama ang dalawag sikat na television stars.
Para sa isang baguhan, it’s not fair naman na isasawalang-bahala ang isang promising singer sa katauhan ni Marion who won third place at the recent Himig Handog P-Pop Music Awards with her composition ‘If You Ever Change Your Mind’.
Dahil sa pangyayari, may tampo ang ina niyang si Lala sa nag-imbita sa kanyang anak na hindi man lang ito inalagaan.
At the birthday party of Marion cum graduation celebration at Amber Lounge at the Fort (she turned 21 and graduated last March at the Ateneo de Manila University with a degree in Communication Technology Management) we had the chance to talked to Lala and told us na she’s just protecting her daughter.
“Kahit sinong ina would be hurt sa nangyari sa anak mo. I’m just protecting her. Hindi man niya sinasabi na masama ang loob niya, mararamdaman mo dahil nanay ako,” she said.
May punto si Lala. May karapatan na magtampo ang anak na si Marion dahil she deserves to be recognize.
WALANG INTRIGA kung bakit from Nora Aunor ay napunta kay Lorna Tolentino ang role as Editha Burgos na bio-film ng misis ng dating editor namin na si Sir Joe Burgos (of Malaya and We Forum in the early 80’s) at ina ng nawawalang activists na si Jonas Burgos (until now ay hindi pa inililitaw ng mga military).
Inalok ni Direk Joel Lamangan ang role kay Nora pero dahil may tinatapos pa ang aktres na pelikula, Ang Kuwento ni Mabuti, na panlaban ng indie film director na si Mes de Guzman para sa Cine Filipino na gagawin sa June, while ang offer ni Direk Joel ay pang-Cinemalaya sa July, malabo na mahintay pa ni Direk si Nora.
Last recourse na magaling din at hindi naman patatalo na pamalit kay Nora, napunta ang role kay LT.
‘Pag nagkataon, maganda sana ang labanan for “Best Actress” sa Cinemalaya dahil may entry rin si Vilma Santos na Ekstra sa direksyon naman ni Jeffrey Jeturian.
Anyway, sa pelikulang pagbibidahan ni LT, excited kami dahil kahit papaano nasusundan namin ang update ng pagdukot kay Jonas sa katanghaliang tapat sa isang mall sa Commonwealth Ave. in Quezon City, at ang involvement din ng nawawala at nagtatagong berdugo na si Jovito Palparan.
LIMANG TAON na pala ang relasyon ni Eula Valdes at ang boyfriend niyang si Rocky Salumbides.
May planong magbuntis ang aktres at ready na rin naman sila ng boyfriend niya kung may pagkakataon.
Kung maalala pa, may dalawang anak si Eula sa dating mister na si Ronnie Quizon.
Reyted K
By RK VillaCorta