OLA CHIKKA to the maximum authority of chikka na naman ng inyong Tita Swarding!
Kasi mula nu’ng na-kilala ko si Marion Aunor, ang dami ko nang naririnig na positive reaction tulad na lang nang mag-guest siya sa program ko a DZRH at RHTV. Naloka ako sa sinabi ng aking co-host na si Lady Ivy na may kakabugin daw itong si Marion ‘pag nagkataon, lalo na ‘pag full support na ito ng Star Records at Channel 2. Dahil hindi lang sa nag-iisa lang ang kanyang style sa pagkanta, iba raw ang dating nito sa karaniwang bagets. Kasi maganda na, matalino pa, at higit sa lahat, napakaganda ng boses at marunong mag-compose ng kanta. At ang pinaka sa lahat ay anak siya ng dating teen star na si Maribel Aunor at auntie niya ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.
Kung bibigyan daw ito ng break na magkaroon ng TV show, marami itong kakabugin tulad daw ni Angeline Quinto. Kasi nga naman, si Angeline ay copycat ni Regine Velasquez.
At nu’ng pinatugtog naman ang kanta niya sa Pinoy Radio U.K. London, ang If You Ever Change Your Mind, hindi makapaniwala ang co-host kong si Max G. Akala raw niya, international singer ang napakikinggan niya. Kasi talagang ibang-iba sa lahat ng local singer si Marion. At bakit daw ito matangkad at maputi compare kay Ate Guy at Lala? Sa bagay, may kanya-kanyang katangian silang tatlo.
Ang nakatutuwa rito sa batang ito na si Marion, halos lahat yata ng makausap ko na mga kasamahan ko sa industry, iisa lang ang sinasabi nila. Malayo rin ang mararating nito tulad din ng kanyang ina at ni Superstar Nora Aunor. Pero ‘pag tinanong mo si Marion, ngiti lang ang sagot na ‘sana nga maabot ko at pagbubutihin ko po’. Tulad din ni Lala at Nora, magalang ang batang ito. Kaya sabi ko nga, isa na namang Aunor ang hahangaan ng madlang pipol.
Nasabi rin ni Marion na excited at very honored siya sa pagkakasali niya sa World Tour ng Be Careful With My Heart na magsisimula na this month.
“Sa March 28 po yata ‘yung first show sa Middle East, Abu Dhabi and Dubai. Afterwards… hindi pa po ako sure sa schedule, pero pupunta rin sa US, Canada and maybe Europe.Very honored po ako na makakasama sa kanila, dahil alam ko na sobrang sikat sila at maraming nahu-hook sa show nila.Excited ako na makasali sa ganoong kalaking world tour at makakasama ko sina Sir Chief (Richard Yap) at Maya (Jodi Sta. Maria),” nakangiting saad niya with matching giggles pa.
AT SIYEMPRE para sa more chikka more fun kung nabitin kayo sa chikka ko, ‘wag n’yong kaligtaang panoorin ako o pakinggan sa DZRH, RHTV every Saturday na po, 12nn-1pm, kasama ko sina Lady Camille at Lady Ivy. At siyempre sa DWSS, daily, 11:30am. At ang programa ko sa London, every Saturday rin. Search lang po n’yo sa Skype: Pinoy Radio U.K. Simulcast po ‘yan sa Pinoy Radio Nordic at Pinoy Radio France. Ola Chikka na, Tita Swarding! God bless!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding