NAKAKATUWANG isipin na ang galing ng anak-anakan namin na si Marion Aunor as a music composer and singer ay nagkaroon din ng positibong outcome ang talent niya at pagtitiyaga (samahan ng mga prayers).
Yes, with the song Akala na ginamit as OST (original soundtrack) ng pelikulang The Day After Valentines na si Marion ang kumanta at nag-compose, tuloy-tuloy ang pagtaas ng subscription sa online music source na Spotify na malaki din ang naging tulong ng musika ng dalaga para lalo makapag-emote ng mga nanonood ng sa pelikulang obra ni Direk Jason Paul Laxamana na produced ng Viva Films at pinagbidahan nina Bela Padilla at JC Santos.
In last November 2018 statistics ay naka more than 10,051,138 streams ang awitin on Spotify.
Mensahe nga ni Marion sa kanyang IG account about the latest update of the song #Akala: “Now at 10 million + streams on Spotify, thank you Lord and thank you to everyone who has been streaming ang sharing the song.”
Ang isa pa na dapat i-check ng mga fans and supporters ng dalaga ay ang composition niya for the Megastar Sharon Cuneta’s latest album na si Marion ang nag-compose ng Lantern na personally ay gustong-gusto ni Mega.
Talent combined with hard work and dedication ang tamang formula and with the help of the Lord ay kaya ma-reach ni Marion and status na ito.
One nice thing about Marion, hindi siya tumitigil to write more music para lalo siya mahasa.
Sa katunayan, happy ang singer-composer sa naging desisyon ng younger sister niya na si Ashley Aunor now better know as Cool Cat Ash na maging isang professional composer-singer like her Ate na rin para ang ina nila na si Maribel Aunor ay may reason na sumama kapag nagpe-perform ang dalawang anak niya.
Recently, Marion and Cool Cat Ash performed together with their mom (na isa sa super na sikat sa Apat na Sikat teenstars in the 70’s) sa online show ng Abante tabloid.
Reyted K
By RK Villacorta