KUMUSTA NA kaya si Marion Aunor?
Mula nang bumalik siya from a music and song writing convention sa US of A, sa mga online news portal ko na lang nababalitaan ang mga activities ng anak-anakan namin.
The last time I’ve read something about Marion ay siya ang producer ng first album ng anak ni Ogie Alcasid na si Leila na pinasok na rin ang mundo ng pagkanta.
Ang alam ko, active ngayon si Marion sa Tarsier Records ng Star Music kung saan pinili ng music and recording arm ng ABS-CBN ang ilang mga artists nila na ima-market overseas na nakikitaaan nila ng kakaibang talent at mas maa-appreciate ng world market. Kumbaga, ang istilo at musika ay pang-World Music na hindi lang limitado sa local or Filipino market alone which is a good sign.
Tulad nang naisulat na namin noon, iba ang musika ni Marion. Not your usual Pinoy singer.
With Marion’s current EDM type of music, alam mo na iba ang musika niya na at first, I thought pang-easy listening lang ang obra niya at performances with the likes of Norah Jones type of music but mas higit pa.
At the moment, while busy with her “Tarsier Records” bookings, tuloy pa rin ang pagaaral niya ng kanyang song writing course. In January 2018 she will continue her classes.
But for the time, tuloy pa rin as a music composer with newly written songs for Jaya and Pia Wurtzbach.
For Marion’s fans, watch out for her new music video for Electric Gold to be launched very soon.
Reyted K
By RK Villacorta