Perfect Teamwork of Sisters Marione and Cool Cat Ash

RK Villacorta

PARANG kailan lang na ang sinasabing mahiyaan na anak ng dating Teen Superstar of the 70’s na si Maribel “Lala” Aunor of the Apat na Sikat fame ay susunod sa yapak niya.

Ang tinutukoy ko ay ang bunsong anak niya na si Ashley Aunor na mas kilala sa kanyang moniker na Cool Cat Ash na isa ngayong sensation sa social media with her rock and roll and novelty type of music lalo pa’t sa kanyang launching song na “Mataba” with corresponding music video (na cute and funny), goes viral online na ako mismo, hindi ko ini-expect na ang Ashley na nakilala ko noon na mahiyaan at walang lakas ng loob para maging isang performer ay humahataw ngayon.

Marione and Cool Cat Ash

Younger sister si Ashley ng “hugot” singer-composer na tawag ko ay ‘Alicia Keys of the Philippines’ na si Marione (Marion Aunor) na ang mga komposisyon ay kilala sa mga theme songs ng mga Viva Films “hugot” movies like”Ang Pambansang Third Wheel” na bida sina Yassi Pressman at Sam Milby; Delikado for the film “Just A Stranger” nina Anne Curtis at Marco Gumabao; ang movie nina Xian Lim at Louise delos Reyes na “Hanggang Kailan” at marami pang iba.

Sa katunayan, ang ganda ng team work ng magkapatid dahil bukod sa pagiging performer-singer (at composer din) ni Ashley ay isa din music engineer na magaling sa technical aspect ng music recording and mixing, while Marione naman ay mas concentrated sa kanyang pagko-compose at pagkanta.

Actually, sa recent music video launch ng Star Music ng “Diyosa ng Kaseksihan” last May 9, 2020 ay aliw si Cool Cat Ash (Ashley). Sa pagiging chubby niya, siya ang center of attraction ng mga hunky papables sa eksena nila sa isang waterfall na kahit “healthy” ay pinagkaguluhan siya ng mga men.

Ashley by the way studied music engineering in France while Marione is a member of The Grammy.

 

Previous articleLA SANTOS: More daring and sexier with Ala-Ala
Next articleVLOG WATCH: Tiktok Dance Challenge with Sanya Lopez with Bida-Bida Kuya Jak!

No posts to display