NAKAKAALIW at nakakabilib ang determinasyon ng ‘Asa Naman’ singer at birthday celebrant na si Maris Racal na makapagparehistro para sa nalalapit na 2022 elections. Bago pa ito sumabak sa pakikipagsapalaran sa pagpila ay vocal na si Maris sa panawagan sa COMELEC na sana’y i-extend ang registration dahil dumanas din naman ang Metro Manila at ilang probinsya sa ECQ at MECQ. Sarado ang COMELEC offices during the lockdown.
Sa pamamagitan ng kanyang Instagram at Tiktok ay ibinahagi niya ang kanyang karanasan noong Martes ng gabi sa pagpaparehistro, na nauwi sa isang ‘misadventure’.
“So pumila ako ng mga 2:30 a.m. Sobrang nagmadali ako, sa sobrang pagmamadali ako maling bag ang nadala ako. …Tapos uy mayroong reporter, siyempre automatic na diyan ang kumaway. …Tapos ‘yon sunrise na, mahaba-haba pa ito three more hours to go so napaupo na lang talaga ako sa sahig. Pang-number 24 ako, pero noong 8 a.m. nalaman ko na maling district pala ang pinilahan ko. So ang galing lang talaga. Wala ng slot, so umuwi na lang ako,” kuwento ng dalaga.
“Cut to next day, 2:30 a.m. pa rin ako pumila bad trip ako diyan pero okay lang. Ayan nakapasok na ako sa mall finally may aircon thank you God! So anyway sa lahat ng gustong magparehistro maaga dapat kayong dumating. Mayroon pa tayong few days left so magparehistro na kayo guys. Thank you ‘yun lang,”
Dahil sa pagshare ni Maris ng kanyang karanasan ay maraming kabataan ang nainspire na gawin ang kanilang parte sa nalalapit na eleksyon.
Hanggang September 30, 2021 na lang puwede magparehistro. Ayon sa COMELEC, wala na raw extension. BE LIKE MARIS!