Kuwento pa niya, “Pinarinig ko yon sa kanya at nagustuhan naman niya. There are times din na may gusto akong gawin na he really said, ‘I think hindi pa ito ang tama na songs na i-release sa age mo kasi I think meron pang mas bagay sa age mo.
Nakatulong ba ang pagiging in love nila sa isa’t isa to create good music together?
“Wala siya sa equation sa first part, eh. Biglaan na lang siyang nangyari. Parang hindi namin in-expect yon na mangyayari. Our collaboration was only for music lang and then may surprise na nangyari,” pagtatapat niya.
Anu-ano ba ang guidance na binibigay sa kanya ng boyfriend?
“Marami… marami po. In fairness naman kay Rico marami talaga siyang sine-share sa akin kasi as we all know meron naman siyang napatunayan sa music industry and then ako I’m just starting. So he really helps me, but at the same time he doesn’t over step.
“Parang hinahayaan niya lang ako. There are times na iniiwanan niya ako sa studio to write and finish the song to avoid over stepping. We have that line that we follow,” sambit pa niya.
Si Rico Blanco na CEO ng Balcony Entertainment ang producer ng bagong single ni Maris titled Ate Sandali.
Bukod sa matagal na niyang idol si Rico, ibinahagi rin ni Maris kung ano ang nagustuhan niya sa ugali ni Rico at na-discover dito ngayong mag-on na sila.
“He is really a nice person. He is genuine and humble. I know that he is humble pero hindi ko alam na ibang level pala yung pagka-humble niya. Wala sa utak niya yung status niya sa music industry,” deskripsyon niya sa boyfriend.
When asked kung ano ang kanta that best describe their relationship ay saglit na napaisip ang singer-actress.