Marissa Sanchez, ayaw nang patulan si DJ Mo Twister

 alt=

Marissa-SanchezAYAW NANG patulan ng magaling na singer na si Marissa Sanchez ang patutsada sa kanya ni DJ Mo Twister sa Twitter.

“‘Wag na… baka sumikat pa siya. Mabuting ‘wag nang patulan si Mo para ‘di na humaba ang isyu,” ani Marissa nang maka-chikahan namin bago ang kanyang show sa Centerstage sa kanto ng Timog Avenue at T. Morato sa Quezon City last August 28, 2014.

Tungkol ito sa mga patutsada ni Mo sa mga anak ni Sen. Jinggoy Estrada. Dahil nga personal na kilala ni Marissa ang mga ito at kumare siya nina Sen. Jinggoy at asawa nitong si Precy Ejercito (inaanak ni Marissa ang isa mga anak ng mag-asawa), nag-comment siya sa isa sa mga post ni Mo, in a Christian way.

Pero maging ang singer ang nakatanggap ng patutsada mula sa DJ at mga panlalait mula sa followers nito. Being a true Christian, the best way nga naman to put the issue into rest eh, ‘wag nang patulan para hindi na humaba pa. Which Marissa did.

Sabi nga ng magaling na singer, hindi naman niya kailangan ng kaaway at ng stress sa buhay. Kaya nga sa kanyang bagong release na album na “Slowing It Down” na distributed by Universal Records, stress-free na stress-free ang mga nakapaloob na kanta.

Madalas nga raw makatanggap ng text message at tawag sa telepono ang tinaguriang Multi-Faceted. Sabi raw ng mga nakarinig ng mga kantang nakapaloob sa album, “Nakaka-relax!” “Ang lamig sa tenga ng boses mo.” “Swak ‘yung boses mo sa mga songs, ang galing!” “Parang ang sarap magkape, mag-emote! ‘Yan ang peg!”

“Dugo, pawis, pera at pangmomolestiya sa mga kaibigan ang naging puhunan ko to make this album possible, hahahaha!” sey pa ng magaling na singer.

Sa mga nakapakinig na nga ng mga kanta sa album, gusto nila ang “Eighteen”. “It’s about love of a mom to her daughter who turns 18 na ang wish lang niya, hindi ma-experience ng anak ang mga na-commit niyang mistakes during her teenage life. P’wedeng gawing background music sa debut party.”

Bukod sa “Eighteen”, kasama rin sa album ang iba pang original cuts tulad ng “Panghabangbuhay”, Pag-ibig Ko’y Pansinin”, “Dindi”, at “Sometimes”. Parang original naman ang dating ng covers na “You And Me Against The World” (na kasali pa ang boses ng anak niyang si Iana), “Kailan Sasabihing Mahal Kita” na pinasikat ni Sharon Cuneta, “Help Me Forget” ni Kuh Ledesma, “It Takes Too Long” at “Sunlight”.

Samantala, magsasanib-puwersa ulit si Marissa at ang kanyang musical director na si Elmer Blancaflor para sa kanyang pre-birthday concert sa October 29, 2014, 7pm sa Area 05 (dating Ratsky, Morato) entitled “I Laff U!”

“It’s a one-woman show with surprise guests at siyempre, nakakatawa rin ito. Kasi nga, I will sing for you ‘coz I laff you!” sabi pa ng magaling na singer na si Marissa.

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

Previous articlePera + Eleksyon = Krimen
Next articleMarion Aunor, may panghihinayang sa Himig Handog

No posts to display