TURN OFF ang isyu na kinasasangkutan ni Julia Barretto sa amang si Dennis Padilla. Kahit saang anggulo mo man tingnan, ikaw ang anak. Ikaw ang magpakumbaba.
Isyung malaki ngayon ang pande-deadma ng dalaga sa ama niya nang magkita ang dalawa sa isang very exclusive showbiz party last Christmas Season na hindi man lang lumapit ang dalaga sa kinauupuan ni Dennis na almost two tables apart lang silang dalawa. Ang dahilan ni Julia, hindi raw nito nakita ang ama, ayon sa depensa ng ina na si Marjorie Barretto.
Sa ganang akin, super turn off para sa anak na kahit ano man ang nangyari sa mga magulang niya (Dennis and Marjorie) ay may kakampihan siya. Kung hindi ako nagkakamali, masamang-masama ang loob ni Dennis nang makarating sa kanya ang balita na ipinaaayos na ni Marjorie ang pagpapalit ng last name ni Julia to a Barretto at alisin na legally ang tunay na surname ng kanyang ama sa mga legal papers nito.
Is it right? Alam ko, noon pa man may isyu na malalim sina Marjorie at Dennis na dahil sa kagustuhan ni Marjorie na mabura ang ano man tungkol kay Dennis sa anak na si Julia; aminin man ni Marjorie o hindi (na-brainwash niya ang anak); ‘yun pa rin ang iisipin ng publiko. Kaya marahil until now, kahit anong gawing pampa-good image ni Julia sa sarili at ng mga production people behind her Wansapanataym mini-serye with Iñigo Pascual (who is a good boy to his dad) may stigma na dala-dala ang pangalan ng dalaga.
From Dennis himself, sinabi nito sa isang interbyu kamakailan na: “Aware si Julia na pareho kami na andudu’n sa party.”
Ngayon, binabaliktad ni Marjorie na it was Dennis ang nan-deadma sa anak. Pero marami na ang nakaaalam bago pa man lumabas ang depensa ng ina sa kanyang anak. Anong dahilan pa kaya ang kailangan ng mag-ina para sabihin na it was not intended na bastusin ng anak ang ama.
Hopefully, hindi sana ito makaapekto kay Iñigo who is being paired with Julia as a love team.
Bilang miron sa buhay ng mga Baretto (Gretchen & Marjorie versus Claudine and Mommy Inday); sa isyu pa lang na ‘to, mahirap kumbinsihin ang publiko para ayunan ang mga anak na kumakalaban sa kanilang ina (kahit ano pa ang dahilan) dahil sa mga Pilipino, first and foremost ay dapat marunong gumalang sa kanilang mga magulang dahil kung hindi, ang lipunang Pinoy ay hindi ka kakampihan.
Reyted K
By RK VillaCorta