NAKUHA TALAGA ni Dennis Padilla ang simpatiya ng publiko sa ginawa ni Marjorie Barrretto na pagpapalit ng apelyido ng mga anak nila mula sa Baldivia into Barretto.
Nu’ng Biyernes nga, dumulog si Dennis sa Quezon City Regional Trial Court kasama ang abogado niyang si Atty. JV Bautista para mag-submit ng Motion for Relief from Judgment sa Petition to Change Name na isinumite ni Marjorie para sa anak nilang si Claudia Barretto.
Huli na lang nalaman ni Dennis na halos magkasabay palang nag-file ng ganu’ng petition sina Julia at Claudia, at unang na-grant ng korte ‘yung kay Claudia.
Kaya nag-file sina Dennis ng Petition for Relief from Judgment para bawiin ang naturang desisyon. Dapat daw kasi, alam ito ni Dennis bilang ama, dahil itinuturing pa rin daw na legitimate child sina Claudia at minor pa raw ito.
Siguro napanood n’yo naman sa Startalk ‘yung paliwanag ng kampo ni Dennis, basta ang sabi lang niya, ipinaglalaban lang daw niya ang karapatan bilang ama.
Paulit-ulit na sinasabi ni Dennis na hindi naman daw kabawasan sa pagkatao nila ang apelyido niyang Baldivia, at okay naman daw na Barretto ang gamit ng mga bata sa kanilang screen name.
Tuloy lalong naging nega ang dating nina Marjorie at baka mamaya makaapekto pa ito sa career ni Julia.
Masama ang loob ni Dennis sa mga pangyayari, lalo na’t nagkita pa raw sila ng mga anak niya nu’ng birthday nito nu’ng nakaraang February, hindi man lang daw nila sinabi ito sa kanya. Nu’ng August last year pa pala nila ito na-file na hindi man lang daw sinabi sa kanya ng mga bata.
Pero sa kabila nito, naaawa na lang daw siya sa mga anak niya, dahil napakabata pa raw nila na masangkot sa ganitong isyu at problema. Siyempre, impluwensya ito ni Marjorie na tahimik pa rin hanggang ngayon.
Ang abogado lang nilang si Atty. Lorna Kapunan ang humaharap at sumasagot nito. Pero itong huling isyu, hindi pa sila nakapagbigay ng komento dahil wala raw silang nakuhang affidavit sa isinumiteng petition ni Dennis.
Susubaybayan pa rin ito ng Startalk, kaya abangan n’yo uli sa susunod na Sabado.
Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis