NAGBABALIK NA ulit sa pag-arte si Marjorie Barretto. Kasama siya sa cast ng My Fair Lady na pinagbibidahan ni Jasmine Curtis. Ang My Fair Lady ay Filipino adaptation ng isang Koreanovela at leading man ni Jasmine sina Luis Alandy at Vin Abrenica.
Ayon kay Majorie, 10 years siyang nagpahinga sa pag-arte.
“Siguro, the timing was good, na naiinip na rin ako and the offer was at the right time. Saka, malalaki na rin ang mga bata, settled na ang mga bata, so puwede nang mag-work for a while,” pahayag niya.
Si Marjorie ang magiging kontrabida ni Jasmine sa My Fair Lady.
“I’m the kontrabida here ni Jasmine but it’s not so heavy, it’s a romcom, so hindi ako masyadong magtataray,” paliwanag pa niya.
Masaya ring ibinalita ni Marjorie na niregaluhan siya ng taping chair ni Claudine Barretto para magamit nito habang nagtatrabaho. Ang sey pa raw ng nakababatang kapatid, “Para habang nagte-taping ka, maalala mo ako kapag gamit mo ‘yang chair.” How sweet naman.
About the petition na isinampa ni Julia para magpalit ng apilyedo, tuloy pa rin naman daw ito, ayon kay Marjorie.
“About the case kasi, I don’t know why Dennis is comfortable talking about it kasi may gag order ‘yon. So, I’m not really free to talk about it,” rason niya.
La Boka
by Leo Bukas