Masuwerte si Mark Bautista dahil after niyang gumanap as Ferdinand Marcos sa stage musical na “Here Lies Love” sa London, ka-join ulit siya sa muling pagpapalabas nito sa Bagley Wright Mainstage Theater sa Seattle, USA under Seattle Reportory Theater.
Magsisimula ang stage play on April 9 until June 18, 2017, pero umalis na si Mark ng ‘Pinas dahil may rehearsal na sila starting Feb. 27.
Aminado si Mark na dahil sa “Here Lies Love” at sa pakikipag-usap niya sa dating first lady na si Madam Imelda Marcos, mas nakilala rin daw niya ang dating Pangulong Ferdinand Marcos.
“After nu’ng show, mas nakilala ko si Marcos. May mga ikinuwento rin si akin si Madam na, ‘ah, ganu’n pala siya.’ Marami naman siyang insights at ibinigay sa aking information na may mga konting details.
“Tapos nu’ng nasa London kami, may library kami sa corner ng rehearsal room and nando’n lahat ng libro about Marcos. Kung gusto mong mag-research, do’n mo hanapin,” kuwento pa niya.
Samantala, 17 weeks tatagal ang “Here Lies Love” sa US at ang pagpapalabas daw roon ang magiging gauge kung dadalhin sa Pilipinas ang musical at sa ibang panig ng mundo. Posible rin daw na ma-extend ito.
After ng pagiging stage actor ni Mark, balak niyang muling maging active sa TV at sa concert scene. Pero aayusin daw muna niya ang kontrata sa Viva para mas maging maayos ang lahat.