Mark Gil: From the clan of the Gil, De Mesa and Eigenmann

Sino ang ‘di makakikilala sa kanya sa galing, lalo na nu’ng kapanahunan nitong mga Gil at De Mesa?  Matikas at matipuno itong si Mark Gil sa panahong 80s at 90s, at napapanood ko lang dati sa pelikula bilang isa mga hinahangaan nating artista. At kuwidaw ka, dahil ngayon, nagkikita kami lagi sa studio at panay ang bati ng, “Hi, maestro!” Katuwa naman kapag nakikilala ka na, isip ko, bagama’t pangiti-ngiti lang si Mark, parang matagal na niya akong kasama.

‘Di bale tanungin na natin si Mark kung ano ang papel niya sa Zorro. “Ah, ako si Kapitan Horacio Pelaez, kapatid ni Joel Torre, ang ama ni TJ Trinidad, iyon, ah, at mamamatay si Kapitan Horacio.”

Kuwento ni Mark, ibang touch ang ginawa ng GMA,ng buong production, ng director na si Mark Reyes. “Sila talaga’ng masters nito, eh, talagang research, training, talagang pinag-aksayahan, hindi lang ng pera, parang bawat isa, pinag-aksayahan ng panahon, nagkaroon pa kami ng mga seminar, at least one day, na inabot pa kami ng apat na oras para pag-aralan ang history ng Pilipinas. At maganda ang kinalabasan kasi dito, inalam namin ang terminology ng mga pananalita noong araw.  Iyong si Rodel ay one of the masters of production designs specially pagdating sa mga historical events.”

Bago matapos ang interview sinabi niya sa akin, “Actually, sorry, ha, maestro, your name is a name that I would always remember kasi I had a golden retriever, regalo sa akin iyon ng dating husband ni Cherrie Gil, si Roni Rogoff, isa siyang master violinist kaya we named it “Maestro”.  Kaya lang he died recently. That’s why I will not forget its name. And I think ikaw din ‘yung artist na painter na lagi kong nababasa sa mga diyaryo.”

Itong si Mark kaya pala lagi sa ‘kin bumabati at nakangiti, naaalala niya ang golden retriever niyang si “Maestro”.  At kuwidaw, nagkasundo kaming mag-usap na lang muli sa Facebook. Wow, teki pa pala si pogi! Hahaha! Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com

Larawan sa Canvas
by Master Orobia

Previous articleVicki Belo, binitiwan na ng kanyang abogado?!
Next articleStars Candid: Mark Anthony Fernandez, umukay sa Baguio

No posts to display