Hot Topic: Mark Gil, pumanaw na sa edad na 52

Mark-GilBINAWIAN NA ng buhay sa edad na 52 ang beteranong aktor na si Mark Gil (Raphael Joseph Eigenmann sa tunay na buhay) kaninang umaga (September 1, 2014) dahil sa sakit na liver cirrhosis.

Sa ulat ng PEP.ph, kinumpirma ng kampo ng aktor sa pamamagitan ng isang statement ang malungkot na balita:

“Yes, we would like to confirm the death of one of our beloved Mark Gil who just joined our creator this morning at 8 a.m.

“As of now, the family is in deep grieving and they want private time with him.

“They will issue an official statement within the day.

“Thank you and we need all your prayers for the repose soul of Mark and strength for his bereaved family.”

Nakatakda sanang ipagdiwang ni Mark ang kanyang ika-53 kaarawan sa September 25. Isa si Mark sa tatlong anak nina Eddie Mesa at Rosemarie Gil. Kapatid niya ang mga artista ring sina Michael de Mesa at Cherie Gil.

Mga artista rin ang karamihan sa mga anak ni Mark – Gabby at Ira Eigenmann mula sa commercial model na si Irene Celebre; sina Sid Lucero at Max Eigenmann mula sa aktres na si Bing Pimentel; at si Andi Eigenmann mula naman kay Jaclyn Jose.

Kasal naman si Mark kay Maricar Jacinto mula pa noong 2006.

Nakagawa ng mahigit 100 pelikula si Mark at mahigit 30 teleserye sa loob ng mahigit apat na dekada sa showbiz.

Ilan sa pinakahuli niyang pelikulang nagawa ang Ang Bagong Dugo (2014), Seduction at Philippino Story (kapwa 2013).

Lumabas si Mark sa mga sumusunod na teleseye: ABS-CBN – Mula Sa Puso, Saan Ka Man Naroroon, Sa Puso Ko Iingatan Ka, Kung Fu Kids, Eva Fonda, Lovers In Paris, Kung Tayo’y Magkakalayo, Magkaribal, Imortal, 100 Days To Heaven, Guns and Roses, Ikaw ay Pag-ibig, Walang Hanggan, at The Legal Wife; GMA – Ikaw Lang Ang Mamahalin, Ang Iibigin Ay Ikaw, Hanggang Kailan, Atlantika, Sinasamba Kita, Gaano Kadalas Ang Minsan?, Zorro, Makapiling Kang Muli, Pahiram Ng Sandali, Indio, at My Husband’s Lover; at sa TV5 – remake ng Valiente.

Parazzi Reportorial Team

Previous articlePinoy Parazzi Vol 7 Issue 108 September 01 – 02, 2014
Next article“The Salarin”

No posts to display