MUKHANG MALALIM NA talaga ang pagmamahalang Mark Herras at Ynna Asistio. Ramdam na ramdam namin kasi habang ini-interview ang isa sa star ng GMA danserye, ang Time of My life, kung gaano ka-concern ito sa kanyang girlfriend.
Tsika nga ni Mark, sa lahat ng kanyang naging GF ay si Ynna ang pinakamatagal na umabot na sila ng 3 years kumpara sa iba, maging kay Jennylyn na 1 year 5 months lang ang itinagal ng kanilang relasyon.
Dahil sa pagmamahal sa GF, nakikiusap ito na tigilan na raw sana ng ibang tao ang paninira kay Ynna na grabe raw at below the belt na kung tirahin ng iba. Dagdag pa nito na mabait na bata si Ynna, kaya hindi niya deserve ang mga hindi magagandang salitang natatanggap nito sa Twitter o kahit sa publicity.
Tao lang daw si Ynna at may damdamin ding nasasaktan everytime na nakakabasa ng hindi maganda patungkol sa kanya. Kaya naman daw sana lang, tigilan na nila si Ynna at maging ang kanilang pagsasama, dahil habang pilit daw silang pinaghihiwalay ay mas lalong tumitibay ang kani-lang pagsasama. ‘Yun na!
KAHIT SINIGURADO NA ng Master Showman himself na si Kuya German Moreno ang pagdating ni Ate Guy, marami pa rin ang hindi naniniwala at nagsasabing baka na naman hindi tuloy ang pagbabalik-‘Pinas ng nag-iisang Superstar.
Ilang beses na rin daw ka-sing binalak ni Ate Guy na bumalik ng bansa last year, maging ngayong taon, pero hindi ito natutuloy. Kaya naman daw ang motto ng mga ito ay ‘to see is to believe’. ‘Pag nand’yan na raw si Ate Guy tsaka sila maniniwala na nasa bansa na nga ito.
At kahit ganu’n ang iniisip ng ibang tao, malaki naman ang paniniwala ni Kuya Germs na tuloy na tuloy na si Ate Guy, lalo na’t susunduin ito ni Suzette Ranillo sa Amerika para makasabay sa pag-uwi ng bansa sa August 2. Dagdag pa ni Kuya Germs, si Ate Guy ay umalis noong July 31 ng 10pm sakay ng PAL PR 103 katulad ng sabi ni Suzette at darating sa bansa sa August 2 ng 6am at didiretso sa bonggang-bonggang presscon ng TV5 sa Shangri-La Plaza.
Ang TV5 ang nakakuha ng serbisyo ni Ate Guy, kung saan binayaran ito ng nakalululang laki ng TF para sa isang buwang pagbibida sa TV miniserye, kung saan once a week mapapanood si Ate Guy kasama ang mga naglalakihang artista sa telebisyon.
NAGING MATAGUMPAY ANG naging show ng Vancouver’s Singing Sweetheart na si Ethel Rose Amistad sa Las Vegas, kung saan pinasaya nito ang ating mga kababayan doon na naninirahan. Maging ang mga Amerikano ay nag-enjoy sa performance ng 12-year old Eccleasiastes recording artist.
Ilan sa awiting inawit ni Ethel sa kanyang concert ang ilan sa awitin ni Beyonce at ang kanyang original songs mula sa kanyang album. After Las Vegas, bumalik ng Ca-nada si Ethel para sa ilang shows na natanguan nito bago tutungo ng Pilipinas for 3 weeks promotion, bago tumulak patungong Indonesia at Hong Kong para sa promotion ng kanyang album.
John’s Point
by John Fontanilla