KAHIT MATAGAL AT kung ilang buwan ding natengga ay wala raw sama ng loob o tampo man lang ang tinaguriang Bad Boy ng Dance Floor na si Mark Herras sa GMA-7.
Ayon kay Mark, kung saka-sakaling nabakante man siya ng sobrang tagal, choice niya raw ito. Nagpaalam siyang gusto muna niyang magpahinga dahil sa sobra-sobrang trabaho noon na ‘di na kinaya ng kanyang katawan, at nagkasakit na ito. At ang pahinga ang iminungkahi ng kanyang doktor para gumaling siya kaagad.
Tsika pa ni Mark na during the time na nagpapahinga siya, may mga pasulput-sulpot naman daw siyang guestings at shows sa labas, bukod pa sa pagiging regular nito sa SOP pa noon na pinalitan ng Party Pilipinas. Kaya naman daw may trabaho pa rin siya kahit papa’no. ‘Yun nga lang at hindi na siya napapanood sa mga dramaserye sa hapon o gabi man.
Pero ngayon, muling mapapanood si Mark bilang isa sa bida sa kauna-unahang dance-serye sa TV, ang Time of My Life, kung saan makakasama niya sina Kris Bernal, LJ Reyes, Rocco Nacino, Sef Cadayona, Teejay Marquez, Ken Chan, Diva Montelaba, Yassi Pressman, atbp.
AMINADO ANG ISA sa cast ng Time of My Life na si LJ Reyes na malaki ang naging pagbabago sa kanyang buhay sa pagdating ni Baby Aki, ang first baby nila ni Paulo Avelino.
Ayon kay LJ, kung dati-rati raw ay ang sarili niya ang kanyang iniisip, nga-yon daw ay ang future na ng kanilang anak ni Paulo. Hindi na nga raw siya lumalabas-labas kasama ng kanyang mga friends na dati niyang ginagawa. Mas gusto na lang daw niyang nasa bahay, kasama si Aki, kapag walang trabaho.
Dagdag pa ni LJ, hindi na rin siya mahilig bumili ng gamit na para sa kanya, kundi ang gamit ng kanyang baby ang una niyang binibili everytime na napapadako siya sa mall. Tsika nga nito na iba raw pala talaga kapag mommy na, dahil mas priority na ang anak kaysa sa sarili.
NATAKOT DAW ANG isa sa cast ng Tween Hearts na si Rhen Escaño, mas kilala bilang Lucy, ang mean girl sa mga barkada ng tweens, nang biglang tawagin siyang bitch habang nasa isang mall ng mga kabataang babaeng naroroon.
Dinig na dinig daw ni Rhen nang sigawan siya ng “Lucy, you’re a bitch, maldita ka! Panggulo ka sa barkada sa Tween Hearts!”
Kaya naman daw ito na ang umiwas at umalis na lang para iwas-gulo. Pero kahit may kaba, hindi raw naiwasang ma-ngiti ng magandang young star. Ibig sabihin daw nito ay effective ang kanyang acting bilang kontrabida sa grupo ng mga tweens, kaya naman daw okey lang kung nasigawan siya.
Alam naman daw nito na hindi lang naman siya ang nakaranas ng masigawan dahil nangyari rin ito kina Gladys Reyes, Sunshine Dizon, Mylene Dizon, Bella Flores, Vangie Labalan, Jean Garcia, Eula Valdes na pare-parehong magagaling na kontrabida aktres.
PURING-PURI NG MGA nakapanood sa TV5 primetime show na The Sisters ang mahusay na pagganap dito ng young star na si Meg Imperial bilang young Rio Locsin. Kaya naman daw nang makarating ito sa batang aktres, tuwang-tuwa ito sa magandang review sa kanyang acting.
Bukod sa The Sisters, napapanood din si Meg sa teenshow na Bagets, Saturday teen variety show na Hey, It’s Saberdey!, kung saan tinagurian itong Dance Princess, at sa Pidol’s Wonderland.
John’s Point
by John Fontanilla