MAY POPE Francis Fever na naiwanan si Lolo Kiko mula nang umalis at bumalik na siya sa Roma last Monday morning.
Banal-banalan ang mga Pinoy na saksi sa charisma ng lider ng Simbahang Katoliko sa buong mundo.
Ang Pinoy pa naman, as expected na mga relihiyoso ay malakas ang tama ng pagdalaw ni Pope Francis.
Pandemonium sa bawat mga events na dinadaluhan ni Pope Francis. Daraan lang mula sa tinutuluyan niya na malapit sa kanto ng Taft at Quirino, hindi na magkamayaw ang mga Pinoy na gusto siyang makita kahit hindi malapitan.
Habang nagbubunyi ang marami sa pagdalaw ni Pope Francis sa bansa, heto’t may mga gustong umeksena.
Una na ang nameless (I really can’t remember his name) na film director daw na sa kanyang Tweeter account ay nagagalit na dahil sa “holiday” na idineklara ng gobyerno para magkaroon ng pagkakataon ang mga Pinoy na makadalo sa mga activities ni Pope Francis.
Pero mas kabaliwan at agaw-eksena ang ginawa nitong si Marlene Aguilar (isang art collector-dealer and coffee table book publisher) na kapatid ni Freddie Aguilar nang ideklara nito sa kanyang social media account na si Pope Francis ay kampon ng Satanas.
Opinyon lang na dapat irespeto, kabaliwan o gusto lang umeksena?
Lukring! Kung ako kay Marlene, pag-aksayahan na lang niya ang anak niya na nakakulong sa QC Jail sa kasong pagpatay.
Sa ginawa ni Marlene na pambabastos sa mga believers ng Simbahang Katoliko, hindi ito mapatatawad ng mga tao na binastos niya sa kung ano man ang mga paniniwala nila.
Ewan ko na lang kung sa paglalakad ni Marlene sa mall ay safe pa siya.
Bastos, walang respeto sa kapwa. Now, sasabihin mo pa ba na dapat siyang respetuhin? Kabaliwan!
Reyted K
By RK VillaCorta