NAG-GUEST SA Cristy Ferminute sa 92.3 NewsFM at Aksyon TV Channel 41 si Marlene Aguilar noong Lunes, kung saan isa kami sa mga co-hosts ng programa along with our main host Nanay Cristy Fermin, Richard Pinlac and Elmer Reyes.
Masayang ibinalita ni Marlene na naoperahan na sa tiyan ang kanyang equally controversial son na si Jason Ivler at naibalik na raw sa loob ng tiyan ng anak ang kanyang bitukang naka-exposed dahil sa tinamong sugat nito noong nahuli ng awtoridad.
Maayos na raw ang kalagayan ni Jason sa ngayon at nagluluto na ito ng kanyang mga paboritong pagkain sa loob ng kulungan. Wala raw special treatment ang kanyang anak sa loob ng selda.
Isa pang ibinalita ni Marlene ay ang pagkakaroon niya ng album kung saan na-challenge daw talaga siya sa sinabi ng kapatid niyang si Freddie Aguilar noong mga bata pa sila na hindi siya marunong kumanta. Ang ending, nag-produce siya ng sariling album na may 143 cuts ng mga paborito niyang kanta at isang original song na composed niya mismo alay sa kanyang anak na may titulong, “In The Name of Freedom”.
Ang titulo ng kanyang album ay ‘She-Dragon: In The Name of Freedom’ at nakatakda niya itong i-release end of March. Kumanta pa si Marlene during her guesting at isa lang ang masasabi namin, may ‘k’ siya na mag-perform.
Abangan na lang natin ang paglabas ng album niya at magkakaroon pa siya ng mga bar tours to promote her album.
NAKAUSAP NAMIN si Janice de Belen recently at malungkot siya dahil malapit nang magtapos ang seryeng Budoy, kung saan nagkaroon na raw sila ng magandang samahan ng lahat ng casts.
Marami raw siyang natutunan sa karakter ni Budoy na despite sa mga kakulangan nito ay naging positibo ito sa buhay. Dagdag pa niya, naging ‘nanay-nanayan’ raw talaga siya sa mga younger casts especially Enrique Gil at Gerald Anderson at naging malapit siya sa dalawang bagets. Nang matanong namin siya tungkol kay Gerald at Sarah Geronimo, ayaw niyang magkomento. Happy raw siya kung saan happy ang kanyang anak-anakan.
Samantala, looking forward naman si Janice na makaeksena na si Kim Chiu sa The Healing dahil gusto rin daw niyang makilala ang sikat na Kapamilya star. Nakarami na rin daw sila ng eksena ni Governor Vilma Santos at talagang excited na silang matapos na ang pelikula.
MALAPIT NANG magbukas ang pinakabagong gameshow sa tanghali ng TV5. Katunayan, abalang-abala na ang production staff ng show sa kanilang dry run para maging pulido ang lahat ng kanilang mga laro.
May nagtsika pa sa amin na talagang malalaking papremyo ang inihanda nila araw-araw para sa mga Kapatid nating lalahok sa mga pa-kontes.
Araw-araw ring may live remote broadcast ang show sa iba’t ibang lugar upang makasali naman ang mga hindi makakapunta ng studio. Ni-renovate na ang Delta Theater kung saan ito ang magsisilbing tahanan ng Game ‘N Go. Sa March 17, 11:30 ng umaga ang pilot episode ng show. Pak!
Sure na ‘to
By Arniel Serato