Marlene Aguilar, tolerant mother!

KARUGTONG PO ITO ng aking panayam kay Marlene Aguilar, ina ni Jason Ivler, whose week-long run ay mapapanood n’yo sa Tweetbiz Insiders sa darating na Lunes.

Kung dati-rati’y twice or thrice a week kung dalawin ni Marlene si Jason sa kulungan, her visits these days are only upon her son’s request. In other words, kung hindi naman kailangang makita ni Jason ang kanyang madir, hindi bumibisita ang huli.

In one of Marlene’s recent jail visits, however, there ensued a “biruan” sa pagitan nila ng anak. After all, magkabarkada kung magturingan ang mag-ina that their umbilical cords, so to speak, have not been surgically cut off.

Bungad ni Marlene sa anak, “Honey, I am famous,” sa tonong nagmamalaki. Hinagisan daw si Marlene ng tuwalya ng anak (not  to be taken as Jason having thrown  the towel as a sign of defeat, so goes an idiomatic expression), sabay buwelta ng: “You are famous because you are the mother of Jason Ivler!”

Ganoon daw kung mag-usap silang mag-ina, such lines—when taken too seriously by people who hardly know them—ay aakalaing kulang na lang magpatayan ang nanay at ang anak. But theirs is such a peculiar mother-and-son relationship na wa sila care kung maiintindihan ng lipunan.

After all, sinisisi nga ni Marlene ang umano’y kabulukan ng sistema ng ating lipunan—lalung-lalo na sa ilalim noon ng Arroyo administration—kung kaya’t marami raw sa ating mga kababayan ang nasasadlak sa kalunus-lunos na sitwasyon. Profound as it sounds, lukis-lukis man ang tingin ng ilan kay Marlene ay lehitimo ang puntong nais niyang itawid.

Pero sa punto de vista ng isang ina, whether or not her child is at fault, the motherly traits dare, defy and denounce even the highest of laws para lang pangalagaan, proteksiyunan at pamihasain ang kanilang anak at all cost.

Marlene is no exception. Kunsintindora, yes, she may be. Babaeng bakla, yes, daig pa nga niya ang mga totoong bakla.  Iyak-iyakan, yes, nag-acting lessons lang naman ang hitad sa Amerika. Praning-praningan, yes, she’s an artist, and aren’t most artists eccentric?

Pero bilang nanay, there are no “maybes,” Marlene asserts herself as a mother who never ceases to fight, and who fights to ensure self-victory.

Wala pang katiyakan kung kailan makakalaya si Jason, but one thing’s for sure, Marlene freely basks in the JOY over JAIL,  PEACE over PRISON and INNER PEACE over INCARCERATION of Jason.

ONE MISCALL, PERO unfamiliar number ang rumehistro. Kay Arnell Ignacio pala  nagmula  ang tawag,  reacting to my blind item here in Pinoy Parazzi nitong Miyerkules.

Tinawagan ko si Arnell sa kanyang ibinigay na landline, pero sa halip na maimbiyerna sa natukoy niyang mga karakter in my BI, tinawanan lang niya ito until our conversation meandered on the case that he’s now facing against three patrol highway policemen.

March 26 nang i-apprehend siya ng tatlong pulis dahil sa plaka ng kanyang 1997 Porsche na nakaipit sa windshield nito.  Originally, hinihingan daw si Arnell ng P100,000 but the amount was reduced to half para aregluhin ang kaso’t hindi na ma-impound ang kanyang luxury car. Cashless at that time, kinailangan niyang kumuha ng pera sa bahay with the three cops tailing him till he got home.

Suspetsa ni Arnell, may kinalaman ang babaeng kasama niya sa kotse nang araw na ‘yon, bolstered by the woman’s persistent questions kung magkano ang kanyang ibinigay sa mga parak. April 1 nang pormal nang sampahan ni Arnell ng mga kasong extortion/intimidation/robbery ang  tatlong pulis.

Contrary to news reports, hindi pa raw pala suspendido ang tatlong pulis. As of yesterday, kasama ng kanyang mga abogado ay nakipag-meet si Arnell sa police superintendent na siyang may hawak ng kaso. Even Secretary Duque called up Arnell, pati ang Civil Service Commission ay nangakong tututukan ang kaso.

Ayon kay Arnell, at least five people came forward para ireklamo rin daw ang tatlong parak on similar charges, two of whom ay isang photographer named Francis Abraham, at isang Mustang collector na nagngangalang Manny Manosca.

Over the phone, halatang tensiyonado si Arnell for fear na baka resbakan umano siya ng kanyang mga inireklamo.  Panawagan ni Arnell-sa aming payo na rin-na huwag ipagwalang-bahala ang kaso lalo’t isang malaking batik na naman ito sa ating Kapulisan, kung saan ‘di hamak na mas marami pa rin naman sa ating mga awtoridad ang walang bahid-dungis at tapat sa kanilang mga tungkulin.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleBoy Abunda had a difficult time finishing his masteral degree
Next articleBianca King has found career in directing

No posts to display