OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo.
Ay, inda sa indo, mga Uragon! Bakit ganu’n ang mga artista, mga pulitikong tao ang gustong mapangasawa. Unahin natin si Gov. Vilma Santos-Recto, kaya siya napasok sa pulitika at naging mayor ng Lipa City at naging gobernador dahil kay Senator Ralph Recto.
Si Sharon Cuneta na dating asawa ni Gabby Concepcion, nagkahiwalay at naging asawa ni Sen. Kiko Pangilinan.
Ngayon, may chikka na si Sen. Chiz Escudero ay 3 months nang girlfriend si Heart Evangelista. May chikka ring ipinagsisiksikan ni Mommy Divine itong si Sarah Geronimo sa guwapo at mabait na gobernador ng CamSur na si Gov. L-Ray Villafuerte.
Nasabi kong mabait itong si governor dahil kasi dati, tuwing birthday ko, hindi niya ako nakalilimutang bigyan ng gifts. Wala pa siya sa pulitika, kaibigan ko na siya, although ang kanyang father ang governor noon ng CamSur.
Kasi nga naman daw, sa mga nali-link kay Sarah na barya-barya lang ang kita like Rayver Cruz at Gerald Anderson, na ‘pag walang project ay nganga, kaloka as in mabubuwang ka sa Earth, kung totoo man ito, na ang gustong manligaw daw kay Sarah ay itong si Gov. L-Ray, ayon sa maderaka na si Mommy Divine. Take note, ha? Hindi si Gerald na patuloy na inili-link kay Sarah.
Minsan lang daw nakita or na-meet ng maderaka ni Sarah si Gov. L-Ray, pero impressed daw kaagad si Divine sa kabaitan nito. Bukod sa pagiging governor, may matatag na negosyo na tiyak daw na magiging secure si Sarah kung sakaling ang tulad ni Gov. L-Ray ang mapapangasawa ni sarah.
Gusto lang daw ng maderaka ni Sarah na kung pipili ito ng paka-kasalan, kagaya nga ni Gov. L-Ray, na hindi na hindi na dadanas ng gutom si Sarah, pati na ang magiging pamilya at mga apo.
Kawawang Sarah, kung totoo man ito. Kasi wala siyang karapatang piliin ang itinitibok ng puso. Ang tanong ng karamihan, type naman kaya ni Gov. L-Ray si Sarah?
Kawawa rin ang naghahangad na manligaw kay Sarah tulad ni Gerald. Mas gusto kasi ni Divine na mas mayaman ang mapapangasawa ng anak, para mas malinaw na may magandang kinabukasan. Kasi ang artista nga naman, may hangganan ang kita at walang permanenteng kita. ‘Pag walang project ay nganga.
Napakarami nga naman ngayon ang walang kita, kaya ang iba, kapit sa patalim, nagbebenta na lang ng kanilang laman, babae man o lalaki. Say mo?
SPEAKING OF benta, naloka ako sa pag-guest sa akin ng kapatid ni Freddie Aguilar na si Marlene Aguilar. Talagang mabenta ang araw na ‘yon kasi nag-trending talaga, hindi lang sa FB, kundi maging sa cellphone ko.
Kasi napaka-prangka ng babaeng ito. Sabi ko nga, for the past 45 years ko sa broadcast industry, noon lang ako nabuwang. Kasi ba naman, nagkabaligtad, parang ako nasa hot seat sa mga sagot niya sa akin na siya raw ay walang takot sa Diyos at sa demonyo.
At ang sobrang galit niya sa gobyernong Arroyo at Aquino, na pati si Kris Aquino, pinaringgan na bakit sinasabing bobo ang mga atleta. Bakit daw hindi niya tanungin ang sarili niya? Kasi raw, ang mga taong Taglish at hindi makapagsalita ng purong Filipino at English ay nagdudunung-dunungan lang, at ‘yan daw ang tunay na bobo.
At marami pa siyang ibang sinabi na speechless talaga ako, kasi hindi ko ma-take ang mga sagot niya. Pero kung iisipin mo, tama naman siya. Sa mga tunay na matapang, nasa kay Marlene Aguilar na ang tunay na salitang matapang.
At take note, lalo na sa mga nangyari sa buhay niya, wala talaga siyang kinatatakutan. At kung tatanungin mo kung siya ay abnormal, oo raw, dahil hindi naman lahat ng tao ay perfect. Kaya masasabing hindi siya normal, dahil kakaiba ang kanyang kaalaman at talino.
Abangan ang part 2 sa darating na September 16, para sa sinasabing tayo ay malaya na noong nakaraang September 21, 1972, ang Martial Law.
Abangan! Siyempre sa DZRH.TV 2-3 pm, every Sunday. Hala bira!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding